transfer of ownership with HPG and LTO – my experience 2021

yun yung tip sa akin ng binilhan ko ng motor: isabay na lang sa renewal ng rehistro ang pag-transfer ng ownership. para minsanang lakaran na lang. i (well, actually A did it for me) bought my motorcycle in 2019. its registration is up for renewal every january dahil nga wala pa siyang plaka. last year i only renewed it dahil tinamad ako during the december 2019 break to process the transfer of ownership. this time, owing to the new “Doble Plaka” law, napilitan na ako na mag-comply para less hassle.

after countless hours of youtube viewing and blog/web reading, i mustered enough courage (kasi nga tinatamad. LOL) to do it during the Christmas break, thinking that there would be fewer people. naisip ko na nagsi-uwian na ang karamihan ng tao sa probinsya so mas konti din magre-renew ng rehistro.

true enough, on December 26, kahit almost 730 na ako dumating sa HPG, umabot ako sa cutoff. ang di ko lang inasahan ay naka-vacation mode na din pala sila. parang napakabagal ng mga pangyayari. di ko rin na-compute yung oras ng pila at hintay sa Landbank sa Cubao. pila at hintayan din yun. still, natapos naman at nakuha ko yung HPG clearance that same day. kaso alanganing oras: 2:30 na ng hapon.

binigyan natin ng aguinaldo si kuya.

hinabol ko sa LTO sa 20th Avenue at sinabing sa P. Tuazon ako dapat dahil andun yung mother file. *kamot ulo*. 3:30 nasa P. Tuazon LTO na ako pero wala pa yung ‘requirements’ para sa renewal ng rehistro namely 1. insurance at 2. emission test. nakakuha naman ako ng CTPL pero di na ako tinanggap sa emission testing. *yuko*

4:30 PM, umuwi akong luhaan. babalik pa pala ako kinabukasan.

still hoping na konti lang ang tao, pumunta ako sa emission testing center kinabukasan na medyo relaxed riding lang. sabi ko pa, “ang lamig! sarap ng ganito!” pero pagdating ko, sandamakmak ang nakapilang motor. dumating ako ng halos alas-8, magtatanghali na ako na-test. tsk.

top tip: narinig ko habang kinakausap ang kapuwa riders na sa end of November maganda mag renew dahil konti na lang sila at usually ay government vehicles lang kasabay.

after the results, punta na ako sa LTO para sa inspection at stencil. mabilis lang naman. (sana lahat ganoon kabilis) pagkatapos i-submit ang mga papel sa window 1, binigyan ako ng stub para sa schedule.

SCHEDULE?!?!

bigo na naman. babalik pa ako sa Enero!

sabi naman ng magalang na LTO employee, kung rehistro lang ay walang problema. kaso daw, dahil may transfer of ownership akong pinapa-process, may extra step ergo may time na kailangan ilaan para sa paghahanap ng file. (*sigh* wala pa pala tayo sa digital age sa LTO)

anuman ang pakiramdam natin, kailangan lang tanggapin dahil wala tayo sa isang perpektong mundo. nag-vacation mode na ako at naghintay ng bagong taon.

at ayun na nga, dumating ang araw ng schedule, buti na lang at maluwag ang mga boss sa pag-file ng VL. inagahan ko sa nakalagay na scheduled na oras at pinayagan naman ako na pumila. hintay lang ng hintay at sa wakas ay tinawag din ang pangalan ko. kinabahan nga ako dahil baka kulang ang dala kong pambayad. buti na lang at may sukli pa ako. ๐Ÿ™‚

at sa wakas, (whew!) AKIN na talaga ang motor ko. ๐Ÿ™‚

breakdown ng nagastos at oras:

Day 0: Pag-aayos ng requirements (e.g. notarized deed of sale, photocopy ng IDs, photocopy ng original CR at OR, etc.)

Gastos sa notaryo: 1% ng presyo ng motor

Day 1: HPG clearance

Gastos: P500 sa Landbank babayaran. akala ko nabudol ako dahil puro tig-P300 lang nabasa ko online. may memo pala noong November 2020 na nagtaas sila ng presyo. sayang.
NOTE: LIBRE ang stencil pero pwede magpameryenda. (alam niyo na yun)

*tumakbo sa LTO*

P600 – insurance na malapit sa LTO (makakamura kayo sa Cebuana or online. nagmamadali ako noon kaya pinatulan ko ‘to)

*sadly di umabot*

Day 2: LTO

P400 – emission test. mukhang standard rate na to ngayon.

*binigyan ng stub for schedule*

Day 3: LTO

P581.06 – kasama transfer ownership, change venue pero wala nang stickers.

TOTAL P2,081.06 + misc. (notaryo, xerox, meryenda, pameryenda)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.