what do i get out of it?

this is a thing i’ve observed lately. people go to mass because they want to get something, and call it wasted time when 1. Father’s homily is ‘recycled.’ 2. All I heard was the crying baby in church, 3. It’s about EJKs and drugs again. 4. they just care about the collection. 5. Why did I receive just half a host?

tapos kapag magsi-simbang gabi, kukumpletuhin yung 9 na misa. bakit? kasi may hinihiling. nagiging deboto kay Padre Pio, kay Mama Mary, kay Poong Nazareno dahil may hinihiling. magpapa-bless ng sasakyan sa Antipolo dahil gustong ligtas ang sasakyan. hiling pa din yun.

kailan ka ba huling nagsimba na ang dala mo lang ay pasasalamat? we’ve lost that sense of gratitude, IMO. there’s nothing wrong with asking for blessings pero kung iyon at iyon lang ang dinadala natin tuwing misa, no wonder sasabihin mong “di ako pinapakinggan ni Lord” or “hindi totoo iyang sinasabi ng mga Katoliko! araw-araw akong nagsisimba pero walang natutupad sa hiling ko!”

and this a lesson for me too — to have more gratitude and show this gratitude by worshiping the Lord. hindi dahil gusto kong gumaling ako, yumaman, o huwag kaming pabayaan. kahit hindi ko hilingin, gagawin niya iyon dahil mahal ako ni Lord. eh yung lahat nung ibang binigay niya na hindi ko hiningi, nagpasalamat na ba ako para doon? malamang hindi. so i try to be more focused on those things rather than on what i currentlyl don’t have.

“seek first the Kingdom of God… and all things will be added unto you.”

Advertisements