things i miss doing in UP

flashback friday na ba?

naalala ko lang dahil nagpost ang mga blockmates ko in college ng lumang photos — creative shots nung nagpa-grad pic kami. and then siyempre it triggered all this nostalgia of how simple and fun those days were. saka ko na-miss yung mga dating ginagawa ko as a young, dumb, and broke college student. (uy, puma-pop culture reference! LOL)

  1. bulaluhan/mamihan sa likod ng Narra. in those days, 4 lanes lang ang katipunan sa likod ng UP campus. ang mga nasa gilid ng kalsada, along UP’s fence were shops. may sari-sari store, carinderya, xerox, ID photo. at hindi ko makalimutan talaga ay yung almusal kong mami/silog/bulalo sa likod ng nara. nasa kanto yun mismo eh. light broth but full of flavor. and meat was so tender. naglaway tuloy ako. haha!
  2. movies sa film center. premiere night man yan o film festival, nakakanood ako ng quality movies (most of the time) for P40-P60! feeling ko noon napaka-high class ko na sa films dahil napanood ko ang Insiang, Son de Mar, Y Tu Mama Tambien, Farewell my Concubine. hindi man ako naging movie critic, na-appreciate ko naman at na-open din yung isip ko sa mga iba’t ibang konsepto na nakapaloob sa mga pelikula. so not the cinematography maybe but as a casual film-goer, i learned from their stories.
  3. performances at college of music. dahil weird akong tao na nahilig sa classical music, minsan nagpupunta ako at nakikinig ng performances sa college of music. minsan libre, madalas may bayad. one performance i will not forget was the Brandenburg Concerto performed on a newly donated harpsichord to the College of Music. authentic baroque music! WOW!
  4. theater sa Wilfrido Ma. Guerrero. lahat ata ng plays dito ko napanood. at dito ang baptism ng mga di pa nakakakita ng ari ng ibang tao na hindi nila kamag-anak. hahahaha! usually requirement ito ng mga GE (as in GenEd) profs sa freshies/sophies dahil magpeperform ang mga CAL/CSSP upper class students. in fairness naman, may mga celebs na nanonood minsan. dito ko din na-sight (dahil di kami nag-“meet” as in “hi, hello, how are you?”) in person sina Boy Abunda and then-President GMA.

anyway, ito lang naman yung 4 na bagay na nami-miss kong gawin ngayon. dati kasi ang daming oras na pwedeng gawin ito. kahit limited budget, kayang pagkasyahin sa baon kong P1000 every week (all-in na yon. pagkain, misc. expenses, at pamasahe papunta at pabalik ng pampanga).

Advertisements

self-reliance

i had my taste of independence and first-hand experience of self-reliance — in 5 out of 7 days when i went to a high school about 2 hours away and even more in college in manila. i had me, myself, and i to do things. i was away from my parents and siblings, and surrounded by friends and non-relatives that, well, don’t care for you like family would.

it was also a time of self-discovery — finding out what made me tick, and what ticked me off; what made me sick and made me feel better; what worked and didn’t work on me — because i couldn’t rely on others for those things. Magpatuloy magbasa self-reliance