would my grandchildren be proud?

saw this photo on 9gag and i had to chuckle.

and then came dread. ano nga ba ang makikita nilang letrato ko sa hinaharap? i have this picture of my grandfather and i am definitely proud of him. eh paano naman ako?

i thought of Google-ing my name. may kapangalan nga pala ako’ng singer sa youtube. LOL. i guess there’s no claim to fame for me except my EPOD photo. pero i still have a long future ahead of me. (sana)

this made me think of, also, what would my son’s future be like. feeling ko kasi ang dami nang hindi natututunan ng kabataan ngayon like getting their hands dirty as i did at one point in my early years. iba kasi tingin ng tao kapag sinabing naka-enroll ka sa Tech-Voc course. i really feel that favoring STEM (science, technology, engineering, math) subjects over industrial arts (skills training) and the arts is a mistake. why can’t their development be parallel? dahil ang idea ba naten is S&T will solve the country’s problems? what use will it be if we lose our soul and identity? our respect for hard work and labor?

i just hope i’m doing things right with my son. and that someday, he can look back at pictures of myself, my father, and my grandfather and feel the same pride as i have.

Advertisements

normal is what you make it

wala naman akong ginusto kungdi ang mamuhay ng tahimik, matiwasay, at walang kaaway.
“chillax” lang. “steady” lang. isang normal na buhay.

mali pala ako. dahil hindi ko alam kung ano ang normal.

and in the few days of reflecting on it, i realized ‘normal’ is what you make it.

sa akin, normal ang manood ng sine mag-isa. normal ang maglakad-lakad na walang patutunguhan. normal ang tumingin sa malayo at mag-isip sa katahimikan. normal ang kumain ng isang pint ng ice cream o isang big mac meal kapag nalulungkot. normal ang matulog ng alas-9 ng gabi at magising ng alas-5 ng umaga. normal ang gumamit ng pinaggamitang mantika para sa sinangag. normal ang magkasakit ng 1 beses sa isang taon, at dahil bata-bata pa, di kailangang dalhin sa ospital. (actually, i’ve only been admitted once when i was an infant. i’ve never had to return to the hospital since.) normal ang mag-“hang out” sa bahay lang. normal madumihan ang mga kamay sa kung ano-anong ginagawa — gardening, kutingting ng electronics or makisawsaw sa pagme-mekaniko ng tatay at tito ko. normal ang amoy ng gasolina — dahil nasasabi ko lagi, “ang bango,” pag nagpapa-gas ako ng kotse ngayon.

then i see my life now and these are no longer the normal things in my life. in my memory, they are, but my life is different now. i have a new normal. and i have to settle that with my self and make my life ‘normal’ again.