Dear Mama Mary

from DanTheManPhotography on Flickr. https://www.flickr.com/photos/37811085@N05/

from DanTheManPhotography on Flickr. https://www.flickr.com/photos/37811085@N05/

alam ko kaarawan mo ngayon. pero puwede bang ako naman humingi ng regalo sayo? i just feel i have this strong connection with you, considering pinanganak ako sa ospital named after you (Virgen de los Remedios). and i think appropriate naman dahil kailangan ko ng remedio.

una, peace of mind. hindi dahil may mga nagawa akong masama (meron pa din naman pero sa susunod na lang yun) pero dahil madami akong iniisip at inaalala.

pangalawa, naiisip ko na pera ang solusyon sa mga problema ko. tama kaya iyon? hihingi ako sa iyo ng direksyon kung tama ba o mali ang iniisip ko. kung para dito ba ako o para sa ibang lugar.

pangatlo, humihingi ako ng mahabang pasensiya at lakas sa araw-araw. nakaka-tamad, nakaka-depress. toxic. pero kailangan magpatuloy diba? tinatanong ko ang sarili ko “hanggang kailan ba itong dinaranas namin?” emotionally at physically draining kahit saan magpunta – opisina o sa bahay. kung hindi ko man mabago yung sitwasyon, hihingi na lang ako ng pasensiya at lakas.

panghuli, iyong hiling na din ng mga kasamahan ko at pamilya. maraming lumalapit sakin, nagpapa-sama sa dasal. akala nila yata ganun kami ka-close ng anak mo. (HAHAHA). iyong mga may problema din, sana pakinggan ninyo at sagutin. o gaya ko, habaan niyo na lang din ang pasensiya.

hindi na ako humiling ng “good health”… mukhang napapa-sobra na nga yata at napaka-“healthy” na naming mag-asawa. šŸ˜›

happy birthday! mwah!

nagmamahal,

bursky

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s