paano mag-uber?

i just discovered uber! well, matagal ko na siyang alam. inisip ko dati ay pang-sosyal siyang serbisyo. pero ngayon, nalaman ko na relatively ay pang-working class naman pala siya… specially with the situation we have here in manila kung saan namimili pa ng pasahero ang taxi, o di kaya naman nangongontrata. sino di maba-badtrip diba?

kaya sinubukan kong mag-uber minsan. wala lang try naten. last week, sinubukan ko kasi sabi ng LTFRB eh huhulihin na daw nila yung mga Uber na hindi pa rehistrado by August 20. aba, wala nang panahon!

paano ba mag-Uber?

  1. i-on ang wifi or data connection. sa office, may wifi naman at dito ako manggagaling so libre ang internet. kung nasa mall ka at walang libreng wifi, mag-data ka na lang tutal mura na lang ngayon ang 15 or 30 mins.

    paano_maguberIMG_0347-1200

  2. start ang Uber app sa phone.
  3. Piliin kung ano ang gusto mong sasakyan: Uber Black (mas ‘rare’, soshal at mas mahal) or UberX (mas pang-working class).

    paano_maguberIMG_0350-1200 paano_maguberIMG_0349-1200

  4. piliin ang Pickup Location. puwede mo i-drag ang map sa background hanggang makita mo kung nasaan ka. puwede mo i-set ang Pickup Location ng kaibigan mo at destination naman ang bahay niyo kung kinakailangan! 😀 this is convenient lalo na kung nagpapasundo ang isang friend mo at di ka makapag-drive!
  5. pindutin ang Fare Estimate para malaman kung magkano ang maaring bayaran sa Uber. Dito mo na rin pipiliin ang destination mo.

    paano_maguberIMG_0351-1200

  6. kapag OK ka na, mag-‘Back’ lang at pindutin ang Request UberX or UberBlack. pero kung may promo code ka, pindutin ang Promo Code at ilagay ang promocode gaya ng uberbadudels143 para maka-libre ng hanggang P200 sa FIRST TIME mo mag-uber! 🙂

    paano_maguberIMG_0352-1200

  7. after this, magko-confirm ang isang uber driver at lilitaw ang user name, plate number, make and model ng masasakyan mo kaya hindi ka magkakamali ng sasakyan. kung susuwertehin ka, baka Ferrari pa ang sumundo sayo! See the lucky Uber riders here!

o diba? sushal na, na-TV ka pa! 🙂

of course, ang prerequisite dito ay nakapag-sign-up ka na sa Uber at may Credit Card ka na connected sa Uber. and the cool thing is online, you can also check your past trips and review your drivers!

so, ayan. sabihan niyo ako pag nakapag-Uber na kayo and tell how your experience was in the comments below.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s