mga linya ng mga pinaparang taxi driver.

almost everyone i know on facebook in metro manila has been protesting against the ‘criminalization’ of uber, grabcar, and other ride-sharing services in manila. pero huwag mag-alala, may Premium Taxi naman na pino-propose ang LTFRB.

nakaka-inis lang. sabi nga ni James Deakin, “why reinvent the wheel?”

9312355515_9a6c2b2df6_o

and finally, ito lang na-isip ko ngayon isulat. dahil sawang-sawa na akong ayawan ng mga taxi. ang dami nilang palusot pero nagrereklamo sila bakit pakonti na ng pakonti ang kita nila. heto ang ilan sa mga linyang sawang-sawa na ako na marinig tuwing sasakay ako ng taxi.

1. “Trapik doon, ser!”

sa maynila ngayon, wala na yatang lugar na hindi trapik. kaya irrelevant yan kuya.

2. “Dagdagan niyo na lang.”

eh kung mabait naman kayo, di ako magdadalawang-isip na magbigay ng extra. huwag nyo kasi pangunahan ang kabaitan ng ibang tao sa pagka-gahaman niyo.

3. “Magkano usual na binabayad niyo sa ganoon [kalayo]?”

sira ba metro mo kuya? bakit ka puwedeng bumiyahe kung sira?

4. “Di doon punta ko eh.”

ah, siguro sa impyerno biyahe mo ano?

5. “Kakain lang muna ako.”

kakain ka pala eh. sana di mo na lang ako hinintuan. palusot ka pa eh amoy sinigang pagbukas ng bintana ng taxi.

6. “Pa-garahe na ho ako.”

kung sinabi mo ito bago mo ako tinanong saan ako magpapa-hatid, mapapatawad pa kita. maintindihan ko kung talagang gagarahe ka na’t uuwi at nagbabaka-sakali ka lang makakuha ng pasahero along the way. ang ayoko lang eh yung tatanungin mo ako tapos gagawing dahilan yung pag-garahe niyo.

7. “Ilan ba kayo? Plus 50.”

last time i checked, hindi ka jeep na kada-tao ang bayad. diba metro ang gamit niyo? granted, may abusado (or sadyang kuripot) na ipagsisiksikan ang 10 sa isang kia pride na taxi.

pero hindi lahat ng taxi drivers ganito. may mga mabubuti at magalang na taxi driver sa maynila. (karaniwan sa ibang siyudad e.g. Baguio, Davao, Cebu ay mababait na at magalang) kung kagaya lang nila ang mga taxi drivers, i’m sure tataas na ang kita nila, hindi pa magiging kumpetisyon ang Uber at GrabCar. they would probably just serve tha A/B segment of the market. kaso hindi…

kaya minsan, parang ganito na gusto kong gawin:

Advertisements

2 Comments

  1. Pingback: paano mag-uber? | at wit's end

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s