ay, anubayan… pumayag na si Sen. Grace Poe maging VP ni Mar? tapos nanunuhol pa ng ensaymada sa mga Spanish-speaking Pinoys. Ayan o, malinaw na malinaw! “Mar y Grace”. Sa salitang tagalog, “Mar at Grace!”
maling tambalan na nga, eepal pa sa preliminary campaigning at suhol! boooo!
—
of course, i kid. obviously, these are Mary Grace goodies. it was just a humorous thing we noticed at the office while they were giving these away.
i just discovered uber! well, matagal ko na siyang alam. inisip ko dati ay pang-sosyal siyang serbisyo. pero ngayon, nalaman ko na relatively ay pang-working class naman pala siya… specially with the situation we have here in manila kung saan namimili pa ng pasahero ang taxi, o di kaya naman nangongontrata. sino di maba-badtrip diba?
i-on ang wifi or data connection. sa office, may wifi naman at dito ako manggagaling so libre ang internet. kung nasa mall ka at walang libreng wifi, mag-data ka na lang tutal mura na lang ngayon ang 15 or 30 mins.
start ang Uber app sa phone.
Piliin kung ano ang gusto mong sasakyan: Uber Black (mas ‘rare’, soshal at mas mahal) or UberX (mas pang-working class).
piliin ang Pickup Location. puwede mo i-drag ang map sa background hanggang makita mo kung nasaan ka. puwede mo i-set ang Pickup Location ng kaibigan mo at destination naman ang bahay niyo kung kinakailangan! 😀 this is convenient lalo na kung nagpapasundo ang isang friend mo at di ka makapag-drive!
pindutin ang Fare Estimate para malaman kung magkano ang maaring bayaran sa Uber. Dito mo na rin pipiliin ang destination mo.
kapag OK ka na, mag-‘Back’ lang at pindutin ang Request UberX or UberBlack. pero kung may promo code ka, pindutin ang Promo Code at ilagay ang promocode gaya ng uberbadudels143 para maka-libre ng hanggang P200 sa FIRST TIME mo mag-uber! 🙂
after this, magko-confirm ang isang uber driver at lilitaw ang user name, plate number, make and model ng masasakyan mo kaya hindi ka magkakamali ng sasakyan. kung susuwertehin ka, baka Ferrari pa ang sumundo sayo! See the lucky Uber riders here!
almost everyone i know on facebook in metro manila has been protesting against the ‘criminalization’ of uber, grabcar, and other ride-sharing services in manila. pero huwag mag-alala, may Premium Taxi naman na pino-propose ang LTFRB.
and finally, ito lang na-isip ko ngayon isulat. dahil sawang-sawa na akong ayawan ng mga taxi. ang dami nilang palusot pero nagrereklamo sila bakit pakonti na ng pakonti ang kita nila. heto ang ilan sa mga linyang sawang-sawa na ako na marinig tuwing sasakay ako ng taxi.
1. “Trapik doon, ser!”
sa maynila ngayon, wala na yatang lugar na hindi trapik. kaya irrelevant yan kuya.
2. “Dagdagan niyo na lang.”
eh kung mabait naman kayo, di ako magdadalawang-isip na magbigay ng extra. huwag nyo kasi pangunahan ang kabaitan ng ibang tao sa pagka-gahaman niyo.
i am diaspora. i have been uprooted and it is not easy to establish new roots when you’ve already grown so much. (in my case, i’ve grown VERY much horizontally rather than vertically. :P) but here, everyday, i am reminded how everyone is a stranger. and how i am outsider.
and fortuitous enough, i just got to watch this video:
i’m surprised that i’m this old already and i just found out Puerto Rico isn’t exactly a sovereign country!
all i could say after watching this again is, “RELATE!”
Work required me to go to check our old site in Baguio. So I thought it was a good time to start vlogging.
Ang hirap pala! Nakaka-conscious! parang feelingera lang talaga yung dating when you record yourself on video. i tried being discrete pero di pala puwede kapag vlogging. And then, editing is so difficult and stressful. Or maybe just because my video recording were just really bad. Hahaha! but yeah… it kinda sucks. or maybe nagmamadali lang utak ko ngayon. Parang ayoko na tuloy. hahaha!
anyway, this is still just a test. i used my lenovo phone to record so it’s pretty obvious the quality of my vlog will be really bad. i reserved my camera’s memory for actual work and more important stuff like documentation. still, i think it’s a good start. saka na ako mag-aaral ng matindi ng video editing. i already have lightworks installed pero ang hirap nga niya gamitin. movie maker is so basic, it kinda sucks. still, nagsisimula palang naman tayo. 🙂