… ng pag-ibig? (so the Rivermaya song goes)
but it isn’t exactly February. it’s November and it’s cold outside once again.
in short, magpapasko na ulit.
handa na ba ang krismas tree sa bahay? kami wala.
ano ba nagpapa-ramdam sa ‘yo ng pasko? amoy ng puto-bumbong at bibingka? christmas lights? mga nanga-ngaroling (or nanlilimos, depending on your commute route)? o yung mga naririnig at nakikita sa mga display sa mall?
more than anything, it’s the cold weather that reminds me it’s almost Christmas. walang snow sa pilipinas alam ko pero iba ang dating ng pasko kung mainit at maalinsangan. o kahit umuulan. dapat yung dry, cold weather.
kahit paano, sa dami ng puno sa pinagta-trabahuhan ko, mas ramdam ang lamig kesa kapag umuwi na ako sa bahay. mahangin ng konti pero di kasing-lamig.
pero kahit papaano, ramdam ko na na parating na ang pasko. konti panahon na lang… kailangan na ulit mag-tago sa mga inaanak. π
but i really am looking forward to christmas. π