things that i’m missing right now

1. time. akala ko lagi may oras ako sa lahat ng bagay. pero nauubos lang pala kung saang walang-kuwentang bagay.

2. violin. i miss obsessing over my violin and playing. i have to play it during Lent but other than that time, wala, andiyan lang siya. neglected. also, i have other violins under my care which i’m not caring for very much at this time. nakakalungkot.

3. photography. iyong kumuha ng matitinong kuha. may composition. or kahit street photography. i know i see stuff everyday that are worth capturing pero wala akong motivation to get my camera out. napapangunahan ako ng hiya. and there’s food photography… that everyone’s so into right now na parang nawalan na ng magic para sa akin ang pagkuha ng litrato ng pagkain. mas ‘pagyayabang’ na ang iniisip ko kapag may kumukuha ng picture ng pagkain kesa art. ewan ko.

4. good night’s sleep. masyado bang maraming iniisip kaya walang pahinga ang utak? nadadamay yata tuloy ang katawan. pero sana may pahingang naghihintay sa akin sa mga susunod na araw. madami-dami pa naman ang holidays sa susunod na linggo. (yahoo!)

5. barkada. kadalasan ay madaliang lakad ang nangyayari. at kung lalabas ay dinner lang ito. wala na ang mga gimik na sama-sama sa mall buong araw. may mga kanya-kanya na kasing mga pamilya at career. sana magkakapitbahay na nga lang kami para kahit gabi-gabi ay pwedeng mag-chismisan, share-an ng ulam, or even just hang-out sa park sa subdivision. basta mga mahaba-habang oras na nagkakasama. hay…

6. latin mass. it must be over a year since my last latin mass. iba lang talaga ang dating sa akin ng isang tahimik at taimtim na misa. others feel more recharged with energy-filled worship services but i find my strength in deep contemplation.

7. a good read. konektado sa number 1. dahil nauubos ang oras ko sa walang-kuwentang bagay, di na ako nakakapagbasa ng mga dapat kong basahin. my 12-book challenge is a miserable failure. paano pa ako hahabol kung di lang ako magbabasa ng precious hearts romance novels?! sige, fine. baka payag pa ako sa Sweet Dreams. *kilig*

Advertisements

1 Comment

  1. Pingback: 100 Dreams | at wit's end

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s