isang alamat

kakatapos lang ng umulan nang naglakad si Frederick mula sa bayan papunta sa likod ng kanilang munting bahay. basa at medyo maputik ang mga pilapil sa pagitan ng palayan ng kanyang mga magulang. habang naglalakad ay narinig niya ang isang boses na tila nanghuhusga ng kaniyang pagka-tao.

http://www.motorcyclephilippines.com/forums/showthread.php?159209-Eagle-One-s-Mindoro-ride-Feb-6-to-8/page2

image from motorcyclephilippines.com

“Bakla… Bakla…”

lumingon siya sa pinanggagalingan ng tinig subalit wala itong nakitang tao. inisip niyang napag-kakatuwaan siya ng kaniyang batang kapatid na si Eugenio at ang mga kalaro nito. marahil ay nagtatago ang mga ito sa likod ng pahingahang gawa ng kanilang tatay.

“Bakla… Bakla…”

subalit naalala niyang nadaanan niya itong lumalangoy sa ilog — inaabangan ang malamig at malinis na tubig mula sa taas ng bundok na dala ng ulan.

“Bakla…”

inilapag niya ang bitbit na buslo at tinungo ang pinagmumulan ng tinig. hindi mapangahas ang pagkakasabi subalit diretso at walang alinlangan itong sinasambit. habang papalapit siya sa iniisip niyang pinagmumulan nito, palakas ng palakas ang dinig niya dito. at ganoon pa din. diretso. walang pakiramdam. mapanghusga.

“Bakla…”

tumigil si Frederick sa gitna ng palayan at unti-unting napayuko at ibinaba ang mukha sa bagong tanim na palay. isang pigurang itim ang nakabasag sa tila-salaming tubig ng palayan. mula sa itim na bagay na parang bato sa tubig ay lumabas ang isang malaking bula at minsan pang nadinig ang malakas na tinig.

“BAKLA…”

tinawanan ni Frederick ang sarili at ang bagay na gumawa ng tunog na iyon. umahon siya sa palayan at binitbit ang kanyang mga dala-dalahin at naglakad pauwi. lumingon siyang muli at napa-ngiti nang muli niyang marinig ang sinasambit ng nilalang.

“Bakla…”

sinagot na lamang ito ni Frederick ng, “Echosera!”

at iyan ang alamat ng Echoserang Frog. 😛

syempre, gawa lang ito ng malikot na pag-iisip. ito’y halaw sa usapan ng 2 DJ sa radyo sa programang The Morning Rush na ginawan lamang ng kuwento ng may-akda.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s