Christmas break, y u so tagal?

ewan ko kung it’s just the over-anticipation of the holidays, anxiety because of all the events this weekend, Christmas shopping (or insufficient gifts and/or shopping money), or a combination of everything. parang ina-asam-asam ko na talaga ang Christmas break this year.

masamang empleyado na nga dating ko. late pumasok kahit unang araw lang nakapag-simbang gabi. tapos wala namang ginagawang matinong trabaho. tapos nagi-guilty kapag nakikitang madaming kailangang gawin. hay naku.

sakit nga ng batok ko. pero hindi dahil sa kakatrabaho. malamang sa puyat to. kagabi din, dahil walang maparang taxi, late umuwi. kumain na nga sa Mushroomburger, kumain pa ulit sa tapsilogan ng papaitan. at nag-cake pa pagdating sa bahay! stress eating kung stress eating. at least di ko naman binalak tumalon sa taas ng mall dahil sa lahat ng nangyayari.

i need to mellow down. i need to find that sweet spot na busy pero chill lang. relaxed. parang the other week na productive na sa work, productive pa sa blog. at natapos ko na din yung Insurgent (Divergent #2). hay… maybe it’s just one of those weeks.

really, Christmas does this to you. walang pinipiling tao, oras, edad. di man halata sa social media accounts mo, realidad siyang kakaharapin mo pag-uwi mo.

Advertisements