“time first!”

ako lang ba ang gumagamit ng “time first” noong bata? sa pagkaka-alala ko, never kong ginamit ang “time out muna!” pag naglalaro kami sa likod-bahay ng mga kalaro ko. lalo na kapag taguan, habulan, Jollibee-Jollibee, langit-lupa (impyerno. im-im-impyerno. :P), o kahit na anong ‘action game’, laging sinasabi ang “time first!” (pronounced ‘taym-pers’) kapag 1.) tinawag ni nanay para kumain, 2.) nakita ni tatay ang ginawa mong kapalpakan sa sala, at 3.) kapag malapit ka ng ma-‘out’ o tag ng kabilang team.

pero sa professional sport, ang ‘taympers’ ay mas kilala bilang ‘time out’.

hindi ko ma-gets ang logic ng “time out”. eh bakit andun pa rin sila sa loob ng gym? diba? šŸ˜› hehe…

anyway, medyo nalulunod ako sa mga kaganapan sa buhay ngayon. bunga na rin kasi ng sarili kong katamaran na gawin agad-agad ang mga gawain. kaya ayan tuloy, naipon ng naipon. maling time management talaga. di nako natuto. pero kung natuto man, saglit lang and then balik ulit sa dating petiks na gawain pagkatapos ng 1 or 2 linggo. hay… paano ko ba masu-sustain yung productive time ko?

tsk, nasasayang tuloy ang “ME time” ko. ewan ko, parang nawawalan ako ng balanse ngayong mga araw na ‘to. di naman siguro ako nagkakasakit. di naman ako gaanong stressed… well, sort of kasi maluwag naman sa office. pero deadlines naman sa ibang bagay. di ata ako maka-cope ng maayos. i need a breather… (pero kagagaling ko lang sa 4-day weekend. tsk, bad time management skills talaga! although i’m happy to report that i cleaned the CR, got to throw a big bag of plastic and managed to clean up that pile of boxes gathering dust under the stairs all this time. :D) see? pati pagba-blog ko, ang gulo! anyway, ayun. maybe i just need to get it all out of my system and hope and pray that blogging will work. it’s been a while na din ah…

ayan, i feel better. kaso uwian na. šŸ˜› haha! babay for today! šŸ˜€

Advertisements

3 Comments

  1. Time first at time out pareho ko nagamit nung bata pa ako. Parang pareho lang namn din ang meaning. hehe! Alam ko lahat nung binanggit mong laro except for Jolibee jolibee. Pero may nilalaro yung mga pamangkin ko ewan kung yan yun basta kumakanta sila ng jolibbe jolibee umutot si jolibee nahulog ang panty. ahhaha! Wala namng panty si jolibee ewan kung bat nahulog.

  2. tagalog? hahha… Time first din nga muna ako sa blog eh, tulad mo, magulo ang buhay ko ngayon. Mas masarap makinig sa MonsteRx in the morning, wala nga lang matapos na gawain dahil nagco-concentrate sa tawanan. HAhahaha…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s