off to my-sg!

less than a week from now, pupunta kami ng college barkada for a 6-day vacay sa kuala lumpur and singapore! woot! 😀

kaso ano naman gagawin namin dun? malay ko ba ano makikita ko. basta sa KL, yung petronas lang alam ko tingnan. tapos sa SG, yung merlion. bukod doon, ano pa ba? haha!

first time ko itong mag out of the country as a tourist. pero this being a barkada gimik, syempre wala ako hawak sa itinerary, oras at pupuntahang mga lugar. at malamang mag-give-in sa peer pressure sa mga bagay-bagay (e.g. “sige naaaa! sakay na tayo dito! ang lungkot naman pag kayo lang wala dun sa ride. *pout lips*”). i’m not that kind of traveler kasi. i prefer to “experience” than just sight-see. oo nga, madami kang pictures ng mga lugar pero parang ganun na lang — dinaanan mo lang. or baka sadyang mabagal lang ako maka-pick-up ng sights and sounds ng isang lugar. i guess yung ibang tao eh madaan lang ng minsan ay na-a-appreciate na nila agad yung mga nakikita nila. ako kasi, i think kailangan ko ulit-ulitin. i’m slightly afraid that i missed some little quirky detail, some trivia, some tidbit na posibleng ako lang ang nakaka-alam or nakakita doon sa lugar na yun.

ikaw, how are you as a traveler?

tsaka pala any tips what to see sa KL and SG? although may “schedule” na kaming susundan, i just wanna know ano kailangan mas paglaanan ng attention. 🙂 should i activate roaming or just leave my phone sa pinas? shorts and shirt o maong? (yung hindi sana ako magmumukhang turista) and yung bag… mas ideal ata backpack ano? though may transient house kami. i think need namin yung small bag to carry around while touring, tama? andami kong tanong! haha!