as if you haven’t heard of it: Chef Tatung’s

di naman talaga ako mahilig kumain. mahilig lang dumikit ang pagkain saken kaya ako lumalaki ng ganito. (excuses, excuses…:P) ganun pa man, medyo practical pa din naman ako pagdating sa pagkain. lalo na ngayong gipit dahil wala pa din kaming raise for the 3rd straight year. (nagpaparinig na lang ako sa universe. baka sakaling nakikinig siya, di gaya ng mga boss namen.) but i couldn’t let this chance of eating at a private dining place pass.

strawberry shake at chef tatung's

ginawa na yata naming bonding sa office ang pagkain. pag may birthday, despedida, meeting, break, graduation, o kahit nawalan lang ng kabag kagabi, may pagkain. pero napag-isip-isip namin na we needed a change of environment. so kesa naman mag-resign kami ng sabay-sabay, we thought of joining Old Manila Walks’ Big Binondo Food Wok one Saturday. kapagod pero sobrang busog. we went around Chinatown with Ivan Man Dy guiding us throughout the streets. parang gusto ko nga magpa-autograph noon kasi nakita ko siya kasama si Anthony Bourdain sa isang episode ng “No Reservations” e! hehe…

Magpatuloy magbasa as if you haven’t heard of it: Chef Tatung’s