KSP!

this used to be my playground.

tama nga ang title ng blog na ‘to. nauubusan na ako ng sasabihin! at ayoko na din sumabay sa mga nagpo-post ng personal POVs on current issues. kasi naman, pano ko tatapatan yung content, humor, wit, and galing ng mga expert bloggers? (ayoko silang tawaging ‘professional bloggers’ since hindi naman lahat ay binabayaran sa pagba-blog.) and most of the time, i’m not making sense naman. dagdag basura lang ako sa cyberspace.


may masama din nadulot ang aking pagba-blog. nadi-distress ako pag konti ang nagko-comment. emo kumbaga kasi nobody notices me. but did i actually want that before blogging? parang nagpapa-pa-importante lang din ako rather than just throwing whatever i have on my mind for the universe to just accept – to de-stress myself and not distress!

nag-iisip na din ako at naging conscious about the people who read it. would this be politically correct? could i be sued for writing this? etc… which is sad kasi nga parang napaka-importante kong tao para isipin ang ganun. still, i think i should exercise caution and self-control din since all my posts are public… anybody can and will see whatever’s here. uso din sa US ang paghalungkat at paghahanap ng info tungkol sa tao through what they post on Facebook, on social networks on the web, on their blogs, etc. dahilan din kaya ito bakit di ako matanggap-tanggap sa mga conference sa ICTP? hay…

i guess it’s my subconscious or deep dark wish to be famous, to be influential, to be able to influence important people on their decisions. and blogging is feeding this self-importance.

i think i’ve forgotten my joy in blogging. pwede palang kalimutan yun? dahil natatabunan na ng kung anu-anong karanasan at nababasa. buti na lang at natigilan ako sa blogging and realized what’s happening to me. may panahon pa kaya ako para magbago?

while i’m writing this, andami pa din conflicts sa loob ko. does writing about MYSELF AGAIN and MY PROBLEMS show my insensitivity and self-importance and callousness towards the incidents of today and yesterday? wala na ba akong pakialam dahil hindi ako nag-post tungkol doon? dapat pa ba akong makialam kung alam kong wala lang din mangyayari pag nagsulat ako tungkol doon. nakakabaliw kaya kinakahon ko na lang sa utak ko ang pag-iisip tungkol doon.

universe, tanggapin mo ang lahat ng ito! kailangan kong ilabas.

Advertisements

6 Comments

  1. Hey, I always read your posts though I don’t regularly leave a comment. I think dumating din ako sa stage na naging conscious ako. And normal naman siguro ‘yun. But I’m back to my old blogger-self na gusto lang magde-stress at magshare ng information (to a certain extent). With the notion that I am “talking” to friends. Keep blogging, ha? =)

  2. Hi Bursky.

    Ayos lang yan bro. May mga ganyang times talaga sa buhay ng blogger. Nauubusan ng thoughts, ng idea. Pero wag mag alala babalik din yan.

    Keep on blogging.

    Ay nga pla, parang nakita kita a month ago sa bridge ng gateway-farmers. papunta kang farmers noon eh. Nakalimutan kong sabihin sa u that day to confirm if ikaw nga yun hehehe. 🙂

  3. “Ikaw ang diyos at hari ng iyong mundo.. matakot silaaaa sayooo..”
    –Rivermaya

    Pagnagsulat ka sa notebook, iilan lang ang makakabasa. Pag nagblog ka, kahit ang nasa kabila ng mundo mo pwedeng malaman ang iyong nadarama. Pag namatay ka, mayroon kang maiiwang alaala.. Hindi lang sa pamilya mo kundi sa lahat ng marunong bumasa. Ang minsang isinulat mo na akala mo’y walang kwenta, pwedeng gawing inspirasyon o pang takdang aralin sa eskwela. Aakalain mo minsan na sa gawa mo’y walang tumitingin. Ang di mo lang alam, sa bibig nila ito isinasalin.

  4. madami namang blogger na ganyan din ang thought. pero diba ang essence naman ng blog is to write your thoughts kung pangit man o hindi. hindi naman cya graded. hindi naman sinabing kung anong language mo cya isulat. as long na naiintindihan ng magbabasa.

    just keep on writing and share everything you feel. sabi nga kala mo lang walang nagbabasa…pero meron, meron, meron… hahaha

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s