panahon ko ‘to!

remember these lyrics?

Pasensya na
Kung ako ay naiiyak
Mababaw lang talaga ang luha ko
Di ko mapigil
Ang aking damdamin
Puede bang umalis ka na
Tumutunog na ang beeper mo

yep, Torpedo by the Eraserheads. classic na classic. bakit? imagine, “tumutunog na ang beeper mo”. when was the last time you last saw a beeper?! ako nga di man lang nakahawak noon eh. i was a freshman in HS or late into my grade school years nung nauso mga yun. and yung mga cellular phones eh sinlaki ng landline at simbigat ng baterya ng kotse.

moving back another decade or so, we had these lines:

Radyo, TV at mga lumang komiks
Wala ng ibang mapaglibangan,
At kung meron kang tatawagan
Trenta sentimos ika’y makakaltasan
Aha…

well, uso pa din namang libangan ang radyo at TV. pero lumang komiks? may nagbabasa pa ba ng komiks? i’m not talking about these DC and Marvel sosyal comics. i’m talking about Funny Komiks, Liwayway, those that inspired the evening teleserye marathons we have right now (which i absolutely hate). i wish i preserved my old Funny Komiks issues, though. i bet they could amount to thousands of pesos in the future.

and wala pang internet noon. wala pang naba-badtrip at nagmumura sa mga customer service representatives about how bad or slow their internet connection is. and finally, “trenta sentimos”!!! kids would either laugh at this or give you that quizzical look. reminds me of those gigantic red PLDT payphones. hahaha… and ngayon, actually, kung may phonecard ka pa, pagtatawanan ka na lang ng mga tao. pero nung college, i still had one and i would use it when i’d call sa bahay sa pampanga from my dormitory on campus! wow, that was just 10 years ago!!!

ambilis naman talaga magbago ng panahon. i wonder which of the songs being played today would have this effect or reminders after a decade or so… got any ‘dated’ songs/lyrics? share naman diyan! 🙂 tag friends din para masaya! 😀

==

image from here

Advertisements

7 Comments

  1. I enjoyed reading this post. Dami kong naalala haha. Which one to add? Hmmm, “Tatlong Beinte Singko” by Dingdong Avanzado, and a lot of Eheads songs. 🙂

    feeling ko nga madami pero heto lang talaga nag-stick sa akin. hehe… grabe yang Tatlong Beinte Singko na yan! parang 2 weeks kong LSS! LOL

  2. mukhang magandang idea ang ginawa nilang show. anyways, kung gusto mong balikan ang 90’s na panahon ko, please visit my blog site.

    PANALO ang blog mo, NoBenta!!! nakaka-miss nga ang dekadang iyon! haay… pati mga di ko naaalala ngayon, nabalik ng posts mo! salamat!

  3. Hahaha, love ko din ang Funny komiks, they’re are just the love of my life before. Ngayon nga sosyal na, may comics nga, Archie comics naman nababasa ng anak ko, ahayyyy. Anyways, hindi rin ako nakahawak ng beeper, kakaloka yun, tatawag ka pa long distance para maka-beep sa isang tao. LOL. Funny nga yun!

    i miss Funny Komiks so much now as an adult. sayang di nag-fly yung Komiks revival ni CJ Caparas.

  4. I also remember yung mga songhits books dahil wala pang mp3 players at ipod nuon, ang mga lumang cassette tapes dahil wala pang downloadable song from the internet at di pa in full use ang internet nuon. hay

    hi Yellow Bells!!! salamat sa visit sa mumunti kong tahanan. 🙂
    ang songhits na mali-mali madalas ang lyrics!!! hahaha… and i remember na may “wan, tu, tri…” pa pag pipindot mo yung record at play sa magkabilang tape deck! LOL

  5. hehehe i remeber the beeper. yan ang una kong nabili na mode of communication during college. di ko kaya pa nun ang cellphone.

    sushal! may beeper!!! 😛 ako payphone lang talaga. at family use ang cellphone noon sa amin! ahahaha

  6. ay hindi rin ako nakahawak ng beeper na yan o kahit magtry man lang mag page. nakakarelate lang ako doon sa komiks. yon lang kasi ang libangan namin dati sa probinsya saka ang radyo na kadalasan eh am station lang naman ang nakukuha. hehehe

    sa amin naman AM tuwing umaga… inaabangan kung may pasok ba o wala pag bumabagyo! 😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s