masakit sa bangs

saan na ba ako napadpad ngayon? ewan ko ba. kung saan-saan na pero walang magawa sa buhay. puro lang ako Facebook, forums, ebay window shopping… kung ngayon palang ako magsisimula ng quarter-life crisis, i’m quite very late in the game. mako-consider na ba akong nagfi-feeling lang o late bloomer lang talaga?

dahil ba may nire-regret ako sa buhay? eh diba prime ang ganitong edad to ‘experience the world’ and ‘have fun’? pano nga naman kung di mo ma-enjoy? or sa sobrang enjoy mo dati sa buhay, everything looks drab and boring and you feel nothing’s happening to your life? anubaaaaa!!! ang emo ko. ahahaha…

well, buti ang emo, medyo may laman ang utak. nagpo-process ng emotions, nag-iisip. ang jejemon ba? hmmm…

and bakit nga ba napaka-antagonistic naten sa mga jejemon? myself included! tinamaan ako sa sinabi ni Lourd de Veyra na kino-consider naten “cool” ang Twilight-readers. pero habang pinapakinggan (yes, audiobook person ako) ko yung Breaking Dawn, napa-isip tuloy ako gaano ba kahalaga ang nasusulat sa Twilight saga na ito?

wala lang. na-bore at nabobo ako sa last book. hater na din ba ako ngayon? hahaha… ah basta. buti pa ang harry potter, bitin ako in a good way. yung sa breaking dawn, nakaka-sakit ng ulo i-analyze. parang noong pinanood ko ang Transformers 2. masakit sa bangs!

world cup na naman pala. cute yung mascot nila ha. yung 2006 germany world cup ba, ano hitsura ng mascot? yung huling naaalala ko was yung aso. kelan ba yun? parang may happy meal toy nga dati featuring that one.

at bakit ba popular ang soccer sa mga mayayaman? dahil ba afford nila ang equipment? may nakita din naman ako feature sa TV. parang footkal ata tawag… football sa kalye. i hope it takes off, lalo na alam kong magagaling naman athletes naten.

yung ate ko dati nagko-coach ng football team sa public schools. pero pang CLRAA lang at kung susuwertehin eh Palarong Pambansa. pero tuwing ganun lang na panahon. walang training during regular days. so parang seasonal din ang athletes sa school. walang dine-develop at tine-train to be great athletes. just performers. nakaka-sad.

i know, napaka-incoherent na naman ng posts ko. wala, ramblings na naman ito. gusto ko lang siguro ibuhos ang laman ng utak ko. in that case, parang pensieve ito sa harry potter. ibig ba sabihin blogger din itong si dumbledore, in a more magical way? tsk, hanep ang lolo niyo.. or rather lola (diba nga bading daw siya?) pa-uso! 😛

Advertisements

9 Comments

  1. Haha, dumb book talaga yung Breaking Dawn. Well, hinog sa pilit kase . As in napilitan na lang si Meyer na tapusin. I can provide you a very lengthy explanation. Lol. My most fave among the saga was Eclipse. Odd enough, I am not too excited about the movie. Pero nung pre-Twilight, I had sleepless nights. Hahaha. Maybe nagmamature na ako. Lol.

    Well, genius ang mga jejemons. Kaya ka nga capable sila na pahabain at paiksiin ang mga salita. But seriously, sumasakit ulo ko sa jeje talk. 😉

  2. iisipin nga ang mga bagay bagay na yan ay masakit sa bangs. Buti na lang wala akong bangs…

    Hindi ako makarelate sa twilight na yan kc hindi ko binasa ang book at nd ko pinanood kahit anong movie ng twililght, wla lang hindi ko lang feel kc ang series na yan. corny ko ba hahaha!

    mas type ko kasi basahin ang shopaholic series at panoorin ang sex and the city. 🙂

    i envy you. 😉

    ma-try nga yang shopaholic series. baka sakaling matuwa din ako. 😛

  3. kooya wala kang bangs kaya wag kang magfeeling diyan. :))

    natuwa naman ako sa twilight saga, wag na nating pag-usapan ang movie. ewan ko bakit ang daming hater. :)) kung ayaw nila edi wag. kung gusto edi gusto. andami pang sinasabi. hahaha! highblood ako?!

    tumatanda ka na dhey kaya ganyan. :p

    excuse me, di ako tumatanda… nagfe-ferment lang. 😛 ewwwww…

  4. Hi, Bursky, sana ay ayos ka na ngayon.

    Kaya ka siguro kung saan-saan na nakarating ‘no. ^^ Anyway, salamat at napadpad ka doon sa blog ko recently. Salamat sa pag-invite mo sa forum n’yo, wala pa akong nasasalihan na forum–ano nga pala yung site n’yong mga violinists?

    Siguro na-burn out ka lang kaya ganyan. Huwag kang mag-alala lilipas din agad yan. Lalo na kung tutugtugin mo ang violin mo. ^^

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s