masakit sa bangs

saan na ba ako napadpad ngayon? ewan ko ba. kung saan-saan na pero walang magawa sa buhay. puro lang ako Facebook, forums, ebay window shopping… kung ngayon palang ako magsisimula ng quarter-life crisis, i’m quite very late in the game. mako-consider na ba akong nagfi-feeling lang o late bloomer lang talaga?

dahil ba may nire-regret ako sa buhay? eh diba prime ang ganitong edad to ‘experience the world’ and ‘have fun’? pano nga naman kung di mo ma-enjoy? or sa sobrang enjoy mo dati sa buhay, everything looks drab and boring and you feel nothing’s happening to your life? anubaaaaa!!! ang emo ko. ahahaha…

well, buti ang emo, medyo may laman ang utak. nagpo-process ng emotions, nag-iisip. ang jejemon ba? hmmm…

and bakit nga ba napaka-antagonistic naten sa mga jejemon? myself included! tinamaan ako sa sinabi ni Lourd de Veyra na kino-consider naten “cool” ang Twilight-readers. pero habang pinapakinggan (yes, audiobook person ako) ko yung Breaking Dawn, napa-isip tuloy ako gaano ba kahalaga ang nasusulat sa Twilight saga na ito?

wala lang. na-bore at nabobo ako sa last book. hater na din ba ako ngayon? hahaha… ah basta. buti pa ang harry potter, bitin ako in a good way. yung sa breaking dawn, nakaka-sakit ng ulo i-analyze. parang noong pinanood ko ang Transformers 2. masakit sa bangs!

world cup na naman pala. cute yung mascot nila ha. yung 2006 germany world cup ba, ano hitsura ng mascot? yung huling naaalala ko was yung aso. kelan ba yun? parang may happy meal toy nga dati featuring that one.

at bakit ba popular ang soccer sa mga mayayaman? dahil ba afford nila ang equipment? may nakita din naman ako feature sa TV. parang footkal ata tawag… football sa kalye. i hope it takes off, lalo na alam kong magagaling naman athletes naten.

yung ate ko dati nagko-coach ng football team sa public schools. pero pang CLRAA lang at kung susuwertehin eh Palarong Pambansa. pero tuwing ganun lang na panahon. walang training during regular days. so parang seasonal din ang athletes sa school. walang dine-develop at tine-train to be great athletes. just performers. nakaka-sad.

i know, napaka-incoherent na naman ng posts ko. wala, ramblings na naman ito. gusto ko lang siguro ibuhos ang laman ng utak ko. in that case, parang pensieve ito sa harry potter. ibig ba sabihin blogger din itong si dumbledore, in a more magical way? tsk, hanep ang lolo niyo.. or rather lola (diba nga bading daw siya?) pa-uso! 😛