drama-rama sa huwebes ng hapon

dear bookmarked sites and online friends,

kamusta na kayo? sana mapatawad niyo ako sa hindi pagbisita ng madalas sa inyong kanya-kanyang blogs at pag-comment sa mga posts niyo. sadyang nagiging alipin lang ako ng Microsoft sa mga panahong ito.

hindi niyo na naitatanong, naka-Windows 7 RC ako sa opisina. at ngayon ay nag-expire na ang ‘trial period’ ng nasabing OS. ang ginagawa ngayon ng Windows 7 ay kusa siyang magre-restart na may 2 oras ang pagitan. ang isang nadiskubre kong solusyon para di mangyari ito ay i-atras ang petsa ng aking computer. ngayon, Enero 18 ang nasa computer ko at hindi na siya nagre-restart mag-isa. subalit, ngunit, datapwat ang kaakibat na resulta ng ganitong gawain ay ang hindi pag-update ng RSS feeds ng aking browser. bukod pa dito ay nagkakaroon ng problema sa security certificates sa ibang websites.

sa ngayon ay hinihintay ko pang mabilhan ako ng totoong Windows 7 ng aming opisina. kaya sa ngayon, panaka-nakang pagbisita lang ang nagagawa ko at hindi ako (ika nga nila) “updated sa latest showbiz happenings” ng inyong blogs at websites.

sana’y maunawaan niyo ang aking laging delayed reaction sa comment boxes ninyo.

lubos na gumagalang,
bursky

Advertisements

2 Comments

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s