walang Superman sa Pilipinas

kaka-kain ko lang ng almusal kanina sa kanto malapit sa terminal ng mga jeep. and then nung sumakay nako, pangatlo palang siguro ako sa mga pasahero. waluhan daw yung sasakyan kahit na 2 kaming medyo “healthy” tapos eh halata namang pituhan lang talaga siya. buti na lang eh umalis na si manong kahit anim lang kami nakasakay.

napansin ko lang yung t-shirt nung isang manong na kasakay ko. medyo itim, payat, at hindi siya cute. (lol) tapos suot niya was a gray shirt na may print ng red telephone booths na nakatumba parang dominos. i got the impression that it was part of an exhibition or installation art. bigla ko lang naisip si Superman.

di talaga pwede si Superman sa atin. or maybe in more modern times, anywhere in the world. may phone booths pa ba siyang pagbibihisan? i guess his next option would be our public toilets… kaso baka di niya maatim ang amoy sa pink (na ginagawa ng green ng MMDA) urinals ni BF. besides, kita mo paa at ulo niya malamang sa tangkad niya. bukod dun eh walang pinto ang MMDA urinals. baka makita siya ng mga nakapilang taxi and jeepney drivers na gumagamit ng urinals. (in fairness to BF, effective siya sa mga naji-jingle sa city. if only it were cleaner.) so far, wala pa ako nakitang private individual/car/green plate na nag-hazard lights para itabi ang sasakyan para mag-wiwi sa MMDA urinal.

kung sushal masyado ang Superman, pupunta siya sa pay toilet. pero baka maningil na siya ng P5.00 everytime na may ililigtas siya. syempre, babayaran niya yung pag-gamit niya ng CR. may problema pa din doon. magtataka yung nagbabantay/collector na lagi na lang pumapasok si Superman, di na lumalabas… or nagtatagal sa loob ng CR, singilin pa siya ng doble or pagsuspetsahan siyang hindi lang #1 and #2 ang ginagawa niya sa CR. tsk, tsk… good luck na lang sa clean image ni Clark Kent.

siguro naman eh hindi na maniningil si Efren Superman and kukunin na lang niya yung perang pambayad sa pay toilet sa kinikita niya as reporter sa Inquirer/Star/Abante/Tik-tik/Toro/Sagad. ang kaso eh pag-uwi niya kay Lois, pagka-abot ng suweldo, “O, bakit ito na lang? Sinasabi ko na… nagkikita pa din kayo nung Lana na yun! Humanda kayo sa akin!” tsk, tsk… kawawang Superman. napagbibintangan pa tuloy ng pambababae. (kung totoong Pilipinas ang setting, malamang eh inuulanan na ng mura ni Lois si Superman. pero para PG-13 pa din ang rating ng blog ko, di ko na muna isasama yun. :P)

kaya mabuti pa na dun na lang muna si Superman sa states. besides, magiging nognog sya dito kaka-lipad sa init ng araw ngayon! ahay…

Advertisements

6 Comments

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s