“snap your fingers i’ll come running, leave again when you’re bored with me”

“Nevermind Me”
Maria Mena

What is the game we’re playing?
should I stick around for more?
Snap your fingers I’ll coming running
Leave again when you’re bored
with me
I’ll make it easy

Nevermind me, nevermind me
I’ll just cast shadows on your walls
Nevermind me, nevermind me
My God I feel so small
Nevermind me, nevermind me
I’ll just cast shadows on your walls
Nevermind me, nevermind me
I’ll just let myself out.

This facade that I’m stuck with
has got me wondering
Just tell me how you want me
and I’ll be naked stumbling
just to get a reaction, any signs of love

Nevermind me, nevermind me
I’ll just cast shadows on your walls
Nevermind me, nevermind me
My God I feel so small
Nevermind me, nevermind me
I’ll just cast shadows on your walls
Nevermind me, nevermind me
I’ll just let myself out.

Bottle up your smile
Pour it in a cup
I’ll be on my way
once I’ve sobered up

===========

hay, sadyang ganyan ang pag-ibig, hindi ba?

ahahay!!! *tambling*

Ang Puno’t Dulo ng Pag-ibig

Nakakatawa talaga ang love. Isa siyang napakalaking oxymoron. Lahat ng pwede mong masabi sa kanya, baliktarin mo at totoo pa rin.

Ang labo diba? Pero ang linaw.

Masaya magmahal. Malungkot magmahal. Di mo naiintindihan pero naiintindihan mo. Walang rason. Maraming rason. Di mo na kaya, pero kaya mo pa rin. Masakit magmahal. Pero okey lang. Leche, ano ba talaga?! May kaibigan ako, sabi niya dati “Love is only for stupid people.” Nakakatawa kasi laude ang standing niya, pero dumating ang panahon, na-in-love din ang hunghang. At ayun, tanga na siya ngayon. Lahat kasi ng nahahawakan ng love nagiging oxymoron din. O kaya paminsan, nagiging moron lang.

Hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-ibig. Lahat ng bagay nababaligtad din niya. Lahat ng malalakas na tao, humihina. Ang mayayabang, nagpapakumbaba. Ang mga walang pakialam, nagiging Mother Teresa. Ang mga henyo, nauubusan ng sagot. Ang malulungkot, sumasaya. Ang matitigas, lumalambot. (At tumitigas din ang mga bagay na madalas nama’y malambot.) Nakakatawa talaga. Lalo na kapag dumadating siya sa mga taong ayaw na talaga magmahal. Napansin ko nga eh. Parang kung gusto mo lang ma-in-love ulit, sabihin mo lang ang magic words na “Ayoko na ma-inlove!” biglang WACHA! Ayan na siya. Nang-aasar. Magpapaasar ka naman.

Di ba nakakatawa rin na pagdating sa problema ng ibang tao, ang galing galing mo? Pero ‘pag problema mo na yung pinag-uusapan parang nawawalan ng saysay lahat ng ipinayo mo dun sa namomroblemang tao? Naiisip mong wala namang mali dun sa mga sinabi mo. Pero bakit parang wala ring tama? Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taong tinamaan ng madugong pana ng pag-ibig. “Ngayon ko lang nalaman ganito pala. Sabi ko na eh!” “Ang sarap mabuhay. Pwede na ‘ko mamatay. Now na!”

At hindi lang ‘yon. Ang sarap din pagtawanan ng mga taong alam naman nilang masasaktan lang sila eh magpapatihulog pa rin sa bangin ng pag-ibig. Tapos ‘pag luray-luray na yung puso nila, siyempre hindi sila yung may kasalanan. Siya! “Bakit niya ‘ko sinaktan?” May kasama pang pagsuntok sa pader yon at pagbabagsak ng pinto. Hayop talaga. Mauubos ang buong magdamag ko kakasabi ng mga bagay na nakakatawa ‘pag pag-ibig na ang pinag-usapan. Ang daming beses ko na kasi siya nakasalubong kaya masasabi ko nang eksperto na ‘ko. Pero wala pa rin akong alam. Pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay ang katotohanang kapag gusto magpatawa ng pag-ibig, ipusta na mo na lahat ng ari-arian mo dahil siguradong ikaw ang punchline.

Nakakatawa no?

Nakakaiyak.

===

mula dito. thanks liyad…