i miss ortigas

alala ko nung college, nung uso pa talaga ang chat, nakilala ko yung ilang tao na di ko makakalimutan. since bago ako sa malaking siyudad gaya ng maynila, di ako nakakatikim ng ‘night life’.

probinsyanong probinsyano ako… hindi pa nakatikim ng ‘barkada’ sa gabi. ang pinaka-ideya ko ng ‘barkada’ noon eh yung mga kalaro ko simula bata and then mga naging kainuman sa tapat ng tindahan nila aling pinang. ang tugtog galing lang sa radiyo sa bahay. kahit ano’ng ipagtugtog ng FM station, OK na. besides, di mo na papansinin yun pag lasing ka na eh. may tugtog, sasayaw ka na…

meron din sigurong konting konting night life. high school naman, nakapunta ako sa Angeles. pero nakabantay pa din ang guardians ko. i stayed at an apartment with my ninang’s brother during HS. siyempre, ayaw ko sila bigyan ng sakit ng ulo dahil una, nakikitira lang ako and pangalawa, pag may nangyari saken, malamang eh masisi din sila ng nanay at tatay ko. being the good boy that i was, ayun… uuwi ng nasa oras, hindi lumalabas ng walang okasyon, at kung lalabas man, hindi nagpapagabi.

third or fourth year college ata yun nung napa-mIRC ako noon. allotted 3 or 4 hours tuwing tues or wed night. babalik ako ng dorm 12mn. wala namang curfew at tatawid lang naman ako’t maglalakad ng konti, yung internet cafe na. after a few months, nagkalakas loob at pera na din ako para makipag-EB. first chatmate(s) EB ko yun. starbucks 6750 ang meetup. manghang-mangha ako sa ayala, sa starbucks, sa mga personalidad sa coffee shop, at sa presyo ng isang basong kape. pagka-meet sa mga tao sa likod ng mga nicknames, punta na yan sa SideBar sa El Pueblo. may mga sasakyan yung iba kaya libre na ang pagpunta dun. inom, magpakasaya, inom, tatawa, inom… at nagpapakalunod sa tugtog. life was good… it was REALLY good.

thanks to tipsy’s playlist for making me recall and miss those times.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s