hindi ko siya mahal

i had this dilemma last weekend. it’s been already resolved kaya ngayon eh meron na akong…

digital camera.

i wanted a digital camera for the longest time. wala lang akong perang pambili kasi pinang-e-enroll ko yung bonus ko at di ako nakakapag-ipon. pero finally this weekend, i decided to get one. pero hindi yung gusto ko talaga. bumili ako ng “afford” kong camera. something that i can use in the meantime kasi may mahalagang okasyon.

actually, yung dilemma ko nagsimula nung dumating yung kalahati ng bonus namen last payday. i could now either buy parts for the PC i’m building for the house (since may internet connection na kami ngayon) or buy an ‘affordable’ digicam. tuwing umuuwi lang ako ng weekend nakakapag-internet sa bahay dahil dala ko nga si alaya. di ko naman pwedeng iwan kasi gamit ko siya sa work. anyway, so ayon nga, nakapili na ako at nung sabado ng hapon (april 26), bumili na ako. april 27 kasi gagamitin na.

it’s a 6.2MP point-and-shoot digital camera from Kodak. horrible at evening pictures, ang hina ng flash, feels too light, poor image stabilization, no battery indicator. but if you’re patient enough with it, nakakakuha naman ng matinong pictures.

what made me decide to get the camera over the PC parts? it was more of an ‘urgent need’. kapag dumaan ang pagkakataon (o isang okasyong mahalaga), hindi mo na mababalik yun. kaya mas mahalaga na makunan at ma-i-‘document’ yun kahit papaano.

at dahil alam ko din ang pakiramdam ng naglalabas ng lumang film camera sa mga birthday, binyag, kasal, etc. nahihiya ka kasi napag-iiwanan ka na. bukod pa sa cellphone, nagiging status symbol na din ang digicam ngayon. kung lomo naman yan, ok lang na luma kasi sosyal ang lomo cameras. “vintage” look sabi nga nila. eh kung kagaya lang siya nung libreng plastic camera sa HP printer? the stares and sniggers you’ll get…

sunsetthe purchase was half joy, half sadness… i know that my family would’ve appreciated the PC more. kasi maiiwan yun sa bahay, magagamit nila kung kelan nila kailangan. maraming matututunan ang mga tao kung may internet. nakakalungkot. pero i still bought the camera dahil sa mga dahilan na nasulat ko na sa taas. at iba pang dahilan na di ko na sasabihin. hindi ko binili ang camera na ito para sa sarili ko. masaya ako sa mga nagagawa ko at naisasa-kuwadro ko gamit ang camera ko. pero di ko siya mahal. it’s not the same eh… hindi gaya ng pinili mo ang isang bagay dahil alam mong ito yung gusto mo. hindi dahil yun lang ang kaya mong bilhin, hindi dahil yun yung mas maganda according to friends and reviews on the internet, hindi dahil wala kang choice, hindi dahil kailangan mo siya. nothing matters but you and what you want. iba pa din kapag binili mo ang isang bagay na gusto mo talaga dahil gusto mo.

Advertisements

1 Comment

  1. wanna say congrats at may bago ka ng cam! pero parang nakakalungkot naman ang pagkakakwento mo ng hindi mo sya mahal…

    sad pero ganun talaga. it’s a good thing na rin kasi di ako magdadalawang isip na ipang-harabas yung camera. ganun naman talaga dapat diba? bring it anywhere and everywhere. 🙂 in that perspective, masaya na din ako.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s