fine, i’m joining the Jianina bandwagon

oo na, bopols na siya sumagot sa Q&A. isa na siyang melanie marquez in-the-making. baluktot ang english. napagtawanan ko na siya at pinakinggan na ng paulit-ulit ang remix ni dense modesto sa multiply. pero after everything, naaawa na ako sa bata.

wala akong alam sa pinanggalingan niya. kung sadyang trying hard siya mag-ingles, mabait ba siya in person, mabuti ba siyang anak o pakawala. per sa dinami-dami ng mga nambabato sa kaniya, naawa na din ako. ayaw ko na din sana sakyan ang pambabalahura sa kaniya dahil (1)blogs everywhere are writing about her big Q&A flop, (2)ayaw ko maki-ride lang sa uso at hottest topic palagi. pero ang nag-move lang sa akin eh yung sobrang pagmamaliit sa batang hindi nila kilala.

i’m sure madaming UE students ang ikakahiya siya. madaming taong gustong makapasok sa UE ang magdadalawang isip dahil nakita na nila ang ‘produkto’ ng isang institusyon gaya ng UE. madaming tao ang mataas ang tingin sa sarili na magsasabing hindi siya karapat-dapat sa nakuha niyang korona, mamaliitin at lalaitin. pero bakit? dahil walang laman ang utak niya?

hindi ko pinilit intindihin ang sitwasyon niya. dahil, sa palagay ko, i’ve had one or more moments like that. ang kaibahan lang kasi i wasn’t on national TV. in many oral examinations at University and even in high school, i kept on rambling pointless answers to instructors’ questions. in written exams, i tried ‘winging’ some of the answers. i’ve skipped essay questions that i don’t understand, naglalagay na lang ako minsan ng note na “sir/maam, sorry, nakalimutan ko na po ‘to <smiley>”

kung may kakulangan si Jianina, it was because she wasn’t paying attention to the question. or hindi niya naintindihan. walang masama kung magpakumbaba at ipa-tagalog ang tanong para maintindihan at sumagot din sa tagalog para di magmukhang trying hard mag-ingles. yun lang ang ikina-iinis ko sa kaniya ngayon. huwag siya magpumilit. pasalamat siya sa nangyari sa kaniya… at higit sa lahat, alamin ang kahulugan ng “grace under pressure”

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s