hindi kaya ng biogesic

…o ng stresstabs, o ng extra joss, o ng my marvel taheebo, o ng fitrum na may L-carnatine at green tea extract ang nararamdaman kong stress at sakit ng ulo…

gamoti’m still fortunate nakapagpahinga pa ako ng medyo maayos sa bahay over the weekend. although 12mindnight na ako nakakatulog tapos eh magigising ako ng 6am, nakatulog naman ako ng 4pm at nagising ng alas-siyete na ng gabi. pero still, di ko naramdaman na nakapagpahinga ako. parang ‘quits’ lang kami ng katawan ko, sakto lang siyang nakahabol sa abusong pinadanas ko sa kaniya ng ilang araw. buti hindi pa siya bumibigay…

at ngayon, lunes na lunes na naman, badtrip ulit. nagmamadali na akong pumasok sa trabaho since halfday nga ako pumapasok pag mondays. antagal dumating ng bus kanina. maarte ako at ayaw kong tumayo kanina. tapos eh bababa dapat ako ng SM North kaso, yung aleng tumayo at nauna sa akin, hinarangan ang isle. aba, nagmamaganda! at sarap nga patirin kaninang pagbaba namen eh… sa MRT station!!!

nag-taxi na lang ako hanggang boardinghouse para ilapag ang mga damit for the week at naglipat ng gamit sa backpack. dali-daling nagpunta ng waiting shed para mag-jeep. habang nasa jeep, naramdaman kong kinakausap ako ng aking konsensya.. ate vi? mali pala… mga alaga ko lang ang bumubulong-bulong ng “amo, ala-una na! gusto mo bang mag-rebelde kami’t lumabas sa butas ng ilong mo?” natakot naman ako. for that, lumafang muna ako sa KFC. hay, gastos! next week pa ang suweldo, gudlak sa ATM…

pagkatapos,nag-trike na ako papuntang opis. medyo hinihingal pa ako eh nag-setup na ako ng station ko. in-on si alaya, sinaksak ang keyboard, mouse, speakers, LAN cable, power co… POWER CORD?!?!?! nakalimutan ko ang power cord!!! AAARRRRRRRRGGGGGHHHHHHH!!! ayun, nagkompyuter ako ng 54 mins, check ng mail, naglipat ng trabaho sa server para makapagwork sa work station ng officemate ko pagkalabas niya.

ang saya saya ko! (bwisit)

Advertisements

1 Comment

  1. you don’t need to take stresstabs, extra joss, my marvel taheebo, and even ng fitrum just to alleviate your stress! first thing to do is…

    1. know what causes your stress, next
    2. do something about it
    3. have a time management
    4. do not bring your work at home. just leave it in your office.
    5. take at least 6 hrs of sleep. FYI 8hrs of sleep is only for children.
    6. have a balance diet (avoid coffee as much as possible.)
    7. find time to relax after work or during weekends.

    i hope these will help you. and more power!

    uhhhh… thanks gilbert! πŸ™‚

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s