award!

di ko akalaing ako’y ka-award-award pala! πŸ™‚ hahaha…

nakakataba talaga ng puso ang i-consider na ‘friend’ ng isang tao. pinaglalaanan ka ng oras, inuusyoso kung ano ang ginagawa mo, kinukumusta ka, nandiyan kapag nalulungkot ka o masaya. pero minsan, ang kaibigan sa malawak na mundo ng internet, cyberspace o ‘blogosphere’ man, hindi kailangang pisikal na nandiyan. ang pagbisita sa website o blog ay senyales ng pagka-interesado sa buhay ng tao. sa pagbabasa eh nakikilala mo ang isang tao ng di mo namamalayang madami ka na palang alam tungkol sa kaniya — paborito niyang pelikula, ayaw niyang ugali sa isang tao, hinahanap niya sa isang prospektib na jowa,Β  mga dinanas niya ngayong araw, sakit ng ulo, saya, kabaliwan, etc…

pero wala siya sa harapan mo. di mo maiyakan ang balikat niya, di mo maramdaman ang yakap niya pag malungkot ka. hindi siya tumatawa habang ikaw lang ang nanonood ng paborito mong pelikula sa TriNoma. hindi mo siya natatawagan basta-basta para yayaing magliwaliw sa Bonifacio High Street. pero kaibigan mo siya dahil nakilala mo siya at nakilala ka niya. hindi dahil magkasama kayo sa trabaho, sa paaralan, o kapitbahay. naging magkaibigan kayo dahil nagkakilala kayo sa malawak na mundo ng internet.

friends

dhez, maraming salamat sa award at dinramahan ko ang post ko na ‘to. πŸ™‚ mmmwah!

Advertisements

1 Comment

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s