i just killed a 12-year-old kid. i’m guilty and i’m sorry.

di man ako nakahingi ng persmiso, ipo-post ko ‘to. para sa isang musmos na nakadama ng hirap ng panahon.

MUSMUS AT  PANGARAP
LALA  FANAGEL* nov10’07

(nabuo ang tulang  ito sa misa sa isang kapilya sa huling pagsilay sa labi ni Mariannet – 12 taong gulang na babae –  habang nagluluksa ang pamilya at nayanig ang buong bayan sa kanyang  paglisan. past 2pm, Ma-a, Davao City)

Ika’y nakahimlay  sa masikip na tahanan
Nakahiga sa  mabangis na lipunan at may palamuting kulambo na sinisilayan

Maraming tanong,  mula sa munting musmus mong pangarap
Walang nakapansin,  walang nakakita
Sa mga katulad  mong naghihirap
Malimit pang  inaalipusta ng lipunang pinaghaharian ng mga hangal sa yaman

Ngunit, ang ‘yong  paglisan
Parang isang  malakas na bagyong humahawi sa kabulukan ng lipunan mong kinagisnan

Ang ‘yong paglisan  ay dinagsa ng maraming madla
Ano ang bilin? Ano  ang ‘yong mensahe?
Kahirapan?  Kinabukasan ng ibang kabataan?

Bigla kang  nakilala ng buong sanlibutan, mula sa liblib mong tirahan
Walang ilaw,  walang kuryente, walang tubig, walang trabaho, walang pambaon sa eskwela
Hindi pinapansin  ng mga kalarong bata dahil daw ikaw ay madungis

Kailangan pa bang  ibalita ng buong media ang ‘yong kahihinatnan?
Upang marinig at  mapansin ng mga naghaharian sa lipunang talamak sa kahirapan?
Yaong ang buong  bayan ay lugmok
Sa dahilan ng  ‘yong kamatayan…

Sabi ng mga  nag-sasantohan, hindi ka karapat-dapat sa malaking simbahan ng mayayaman
Dahil hindi  tanggap ang paraan ng ‘yong paglisan
Kagaya ni Judas  ang ‘yong kapalaran

Ngunit bakit  pinag-pi-pyestahan
Kahit hindi mo  ka-anu-anu ay pumunta sa ‘yong burol
Di kaya si Judas  sa ‘yong kapanahunan ay nagsasabi ng totoo…
Iba’t-ibang mukha,  sumisilip sa musmus mong anyo
Sa ataol  naghihimlay pinagmamasdan ng sambayanan at kapwa kabataan

Hindi ordinaryo sa  mga katulad mo ang nakikita ko
Ang lakas ng  mensahe na napaabot mo sa sangkatauhan
Sa ‘yong  kamusmusan, natinag ng munti mong pangarap ang kabulukan ng lipunan

Ayokong tingnan  ang mukha mong walang muwang
Sa ‘yong  kabayanihan, nayanig ang buong daigdig
Ayokong tingnan  ang nakahimlay mong kamusmusan
Gusto kong  panatilihin ang alaala ng ‘yong musmus na kaisipan
Mensahe para sa  buong bayan

Isang Mapulang  paglalakbay… Mannette
Baunin mo ang  aming  panata sa patuloy na pagkilos
Bitbit ang musmus  mong pangarap
Sa pakikibaka ng  sambayanang api
Hindi ka  malilimutan
Kasabay ng paglaya  ng buong sambayanan ang lunas sa dahilan ng ‘yong paglisan.
*Lala Fanagel – Program Officer, KABIBA Alliance for  Children’s Concerns, Davao City

nakakapanghina, nakakapanlumo. i also blame myself for her death. because i tolerate what is happening in this country. LAHAT TAYO, may kasalanan. WE JUST KILLED A 12-YEAR-OLD KID.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s