LPY2: ‘heroes’

bakit ba andaming nahuhumaling sa Heroes? siguro kasalanan ko rin naman kasi i watched a mid-season episode. it was all so confusing. and from what i got sa episode na yun, it’s like everyone’s connected to someone in some weird way. like everyone’s not independent, everyone’s related… and i just don’t get that. siguro mas gusto ko pa yung tipong circular relationship instead of that…

anyway, di naman yung series talaga ang pag-uusapan. pagkain siya talaga, actually… food for our national heroes!

cooking for heroesLasang Pinoy Year 2’s theme: pagkain na ihahain mo sa isang pambansang bayani. it’s more of the ‘anything goes’ trip — no specific recipe, ingredient or theme. just your idea of what to serve your national hero.

sa pagmumuni-muni ko, lalong lumalala yata ang problema ko. dalawa kasi ang kailangan gawin: 1.) sino’ng bayani ang aalayan mo ng pagkain; at 2.) ano’ng ihahain mo sa bayaning ito. which entails a good portion of research before you could actually write something that would sensibly be attractive to the hero in mind. of course, pwede rin naman based on first impressions kaya ka magluluto ng ganitong putahe. mas madali nga yun diba? pero parang ayaw ko ng ganun… i think it would defeat the purpose of Lasang PINOY. may dahilan bakit ginagawa ‘to eh… not just a showcase of pinoy talent and food, but to show-off who/what the pinoy is.

pero ako mismo natatawa sa ideya kong to… hindi siya pagkain as in uulamin. although ginagawa ko’ng ulam ‘to dati nung maliit ako. my ‘recipe’ for this round’s Lasang Pinoy: ADOBONG MANI!

adobong peanuts

ang ideya ko sa LP eh para matulungan ang ating mapagpalayang mandirigma (rough translation ng Freedom Fighter hehe) sa pag-iisip at pagpa-plano ng kanilang mga taktika laban sa mga mananakop.

hindi ba’t niloko tayo (oo, niloko tayo!) ng mga magulang natin na para tumalino eh kailangang kumain ng mani? it’s brain food daw. kasama na dun yung paglalagay ng dictionary or libro sa ilalim ng unan pag matutulog. ang nakuha ko lang sa mga payong ito ay stiff neck at fiber overdose. antagal ko tuloy mag-CR!!!

madali lang, actually, maghanda ng adobong mani. you’ll just need lots of oil, salt, MSG, garlic, and syempre yung mani mismo. (BIG grin) heeheehee… fry the garlic first then i-ahon mo pag medyo malutong na. isunod mo ang mani at pag luto na, hanguin at budburan ng asin at vetsin saka ihalo ang bawang. that simple! sili is optional.

i used to buy bucketloads of adobong mani from our friendly neighborhood store. masarap talaga ang mani nila dun… heehee… at kung sa mga panahong iyon buhay pa si Antonio Luna, malamang natikman niya ang masarap at maalat na mani ng kapitbahay namen. paano at bakit? dahil na-destino si General Antonio Luna sa aming mumunting balen.

sabi dito

antonio lunaGeneral Antonio Luna fortified the battle lines of Bagbag and Santo Tomas, Pampanga, established arsenals and encouraged material and financial support from civilians.

On May 4, 1899, General Luna was wounded in an encounter with the Americans at the fortlines of Santo Tomas, Pampanga. While recuperating from his wounds, he dispatched a patrol to Benguet hoping to find a site for guerilla activities against the Americans. General Antonio Luna’s tragic death came unexpectedly on June 17, 1899.

o, antaray diba? may national hero pala na nakatuntong sa aming mumunting bayan ng Sto. Tomas, Pampanga! with him in our town, plotting and making decisions how to hold his troops, maybe the peanuts will help. siguro sa pantawid ng gutom, kung hindi man talagang epektibo sa pagpapatalino. i can imagine him hunched over a table with some of his sergeants planning their next offensive. pens and rulers and compasses are scattered all over the table. then Antonio Luna reaches for adobong mani on the side… then he brushes the salt and MSG off his beard. LOL

or pwede rin ala-commercial. yung tipong nagkakaputukan na at lahat and then makikita mo na may ipinapasang lalagyan sa mga kasama mo sa bunker! umaasa ka na mabibigyan ka ng grasyang bala para sa baril mo para iputok sa mga kalaban. pero ang ending, matatanggap mo ang lalagyan at ang natitira ay 3 butil ng adobong mani. bad trip!

or probably in one of their victorious battles against the americans, they celebrate with lambanog, and adobong mani as pulutan. kung sinuswerte, may chicharon din! 😀

whenever we hear of the revolution, we see war. pero when you think about the food during the war, baka nga mapa-isip ka din kung ano ba ang pwede at hindi pwede sa giyera. just as this idea popped into my head — that adobong mani might pretty well have had its role in Philippine history. at hindi man ito recipe as in recipe talaga, in the same way as this is not ulam “ulam” talaga. adobong mani is still truly pinoy. and in my opinion, worthy to be offered to our national heroes.

—-

this LP round is generously hosted by firewaterhusband.

Advertisements

10 Comments

  1. Pingback: ISKAndals.com » Bicol Express para sa A-Tapang A-Tao

  2. Pingback: LP21, the Anniversary Edition: Cooking for Heroes « Shoots. Eats. Leaves.

  3. LOL. This must be the most entertaining alternative reality piece about a hero I’ve ever seen. Vetsin and salt on his beard indeed! Thank you for the laugh and the story. And thanks for joining LP!!

    ahehe… glad you had fun reading it.

  4. this entry sent me rolling on the floor with laughter (yun gaya na ng nasa YM emoticon? hehehe!) . . . i just love it!

    kung pano man sya naimbento dito sa bayan natin, i second your opinion that the adobong mani is worthy to be offered to our national heroes . . .

    thanks for joining lasang pinoy 21!

    thanks for adopting me! 😉

  5. Our secretary in the office would buy 2 sets of adobong mani. One with sili, the other without. All of us would pass her table would get our share. hard to resist kasi, especially pag bagong luto. Somehow, store bought adobong mani can’t match the one bought from the manlalako.

    When I was in Malaysia in May this year, our breakfast would have adobong mani and dilis as side to a meal of coconut rice and chicken curry. Masarap.

    pantanggal ng suya? hmmm… pwede rin siguro. although tama ka nga, mahirap din huminto pag nagstart ka ng pumapak ng mani. 😀

  6. Very innovative offering for our national heroes…

    Em Dy is right masarap talaga its called “Goreng Ikan Bilis” pritong mani at dilis, its a side for “Nasi Lemak” coconut rice with fried fish or chicken and fried egg.

    interesting… hmm… kailan naman kaya ako makakatikim niyan? ahehe… i’m very willing to be treated out. 😛

  7. Hi bursky! galing ng take talaga… ilang ulit ko na nabasa ngayon lang nakapag-comment wahahaha!

    Again thanks for joining LP and for inspiring me to write my LP21 entry 🙂

    asus, you’re my inspiration for joining! thank YOU!

  8. Pingback: Bus ride going home by joeLL C. Lapitan

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s