ano’ng paki mo?

big hairgusto ko sanang magpahaba ng aking buhok. gusto ko ma-experience ang hangin na nilalaro ang buhok ko tuwing nakasakay ako sa jeep at nilalatigo ang katabi ko at sinasagap lahat ng alikabok at usok galing sa kasabay na sasakyan… gusto ko gayahin ang mga nasa commercials na pa-flip-flip lang ng buhok para makakuha ng atensiyon ng tao. gusto kong maging kagaya ni Ruffa na nakasalalay sa tibay (strength. wahahaha) ng buhok ang pagiging successful at fulfilled mother.

subalit ngunit datapwat may isang maliit na hadlang: kulot ako.

lahat ng pangarap ko, “down the drain” ika nga. idagdag mo pa yung pangungulit sa bahay ng “ang haba na ng buhok mo, mukha ka ng gusgusin. pagupit ka nga!”

“hindi maganda yang mahaba ang buhok, nag-o-opisina ka pa naman”

“magmumukha ka lang naka-Afro wig pag pinahaba mo yan eh. huwag ka na magtiyaga diyan”

oh so very encouraging statements. pinapalakas nila lalo ang drive ko magpahaba ng buhok! pft!

it’s a conformity thing. it’s being “normal”. it’s being stepped upon. it’s being held against your will. it’s being tied down. it’s repression.

hay naku, lalo lang kumulot buhok ko kaka-isip at kunsumi. may naiisip na akong solusyon… para makalaya(?)