salad/pasta addiction

kasalanan ni donna, my dear dear officemate, kung bakit ako nahuhumaling ngayon sa salad ng Jumbo Jim’s. at, as usual, wala na naman akong pics to show. life is so unfair…

the reason for the slash sa aking post ay dahil na rin sa sarili kong understanding sa word na “salad”. ayoko rin sana ma-confuse yung mga makakabasa pero ako din naman eh confused. sorry na lang, damay kayo dito. 😛 hehehe…

kapag sinabing “salad” the usual thing that comes to mind is something green, e.g. Caesar salad. sa ibang cultures naman, as far as i know, pwedeng maging “salad” ang meat with mayonaise (or generally anything with mayo and spices). that’s why may tuna salad, chicken salad, etc. pero kapag nilagay mo na ito sa pasta, hindi na siya tinatawag na salad. it’s pasta. or is it? *isip ng malalim* sumasabay ba siya na ang tuna salad, nilagay sa tinapay, tuna sandwich na. chicken salad, nilagay sa tinapay, chicken sandwich na. potato salad, nilagay sa tinapay, potato sandwich na?!

tuna saladnevertheless, whatever you may call it, ito ngayon ang kinahuhumalingan ko for lunch — salads/pasta from Jumbo Jim’s sa AdMU cafeteria. Simple lang siya in big servings. for Php 70.00, you can eat it as 2 meals or 1 meal and 1 merienda, depending on your appetite. There’s no hint of salt, except maybe dun sa pinagpakuluan ng meat or dun sa tuna mismo na yun, so i reckon it’s healthy (or at least healthier than the one with a spoonful of salt added). So far, dalawa pa lang natitikman ko sa mga ginagawa ni Jim (i suppose yun yung pangalan nung may-ari), chicken and tuna pasta. The chicken pasta was too bland for my taste at mukhang sumobra yung sibuyas. however, the tuna salad was wonderful. good balance siya para sa akin.

mag-e-experiment na siguro ako ng ganito sa bahay soon. malapit na ang pasko. mukhang may ihahanda na ako sa noche buena. walang kokontra. 🙂

Advertisements

1 Comment

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s