lowering expectations

bus

lagi ko na lang sinasabi sa sarili ko na huwag masyadong mag-expect sa mga bagay kung ayaw mong ma-depress. unfortunately, ganun na nga lagi nangyayari.

umasa ako na sasama ka. tinanong mo pa ako kagabi kung may damit kang isusuot pagdating doon.

kapag gusto, madaming paraan. kapag ayaw, maraming dahilan

kung iisipin mo, madali lang gawan ng paraan yun. pwedeng bumili, pwedeng humiram.

pero di ako magsasalita sayo. at alam ko na naman sasabihin mo. magugulat ka pag nabasa mo ‘to pagkatapos eh sasabihin mo, “bakit hindi mo sinabi saken?” sisimangot ka, kukunot ang noo, pipiliting gawing isang guhit ang magkahiwalay mong kilay at maaasar at maiinis sa akin.

magpapaliwanag na ako ngayon palang: ayoko malaman mo ang iniisip ko dahil alam kong sasama ka dahil magi-guilty ka. kapag sinabi ko nararamdaman ko ngayon, sasama ka ng hindi bukal sa iyong kalooban. ayoko mangyari yung ganoon, yung napilitan lang sumama. kahit na maging OK ang attitude mo pagdating naten doon, hindi pa rin OK sa akin yun. kakainin ako ng iniisip ko’t sinasabing, “napilitan lang yan eh. dapat hindi ka na lang nagsalita at hinayaan mo na lang siya”

at iyon nga ang ginagawa ko ngayon. making excuses. lowering expectations. acting like i’m OK when in fact i’m not. acting like i understand but i don’t. or i don’t want to understand. (see? i’m even justifying your reasons!)

masakit lang siguro sa damdamin yung ganun. umasa ka tapos eh wala rin sa bandang huli. pero kung iisipin din, ikaw din lang ang may dahilan ng nararamdaman mo ngayon, randell. umasa ka kasi. siguro titisurin ko na lang yung batong makikita ko sa daan hanggang makarating ako sa paroroonan ko. aasa pa din ako na maging paraan yun para di ko maisip ang nangyari ngayon.

Advertisements

1 Comment

  1. Pingback: silip desktop « SPONTANEITY

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s