handicapped

pilay ako ngayon. and there’s this certain ache on my right hand. bakit? wala akong mouse.

parang big deal talaga na mawalan ka ng mouse sa opisina. pilay talaga ako. di ako maka-click ng mabilis since i use alaya’s touchpad. (translation: di ko agad ma-minimize bina-browse kong porn sites) ^_^ heehee…

seriously, mahirap mag-navigate using the pad. tapos eh pag sinumpong ng uber sensitivity, lahat ng apps mo nagbubukas. haaay…

ngayon eh i’ve decided to get a 2nd mouse. isang pang-rugged use, yung dinadala-dala ko na lang kung saan ako mapunta, and the other stays here sa office. pero that’s easier said than done. as usual, i’m the technical guy, looking for value for money. titingnan, ire-research muna kung ano yung “pinaka-bagay” na mouse para sa akin at aking sitwasyon. which technology is superior. naglabasan na ang optical mouse which almost renders the ball-mouse obsolete. these are getting cheaper and cheaper lalo na nung lumabas pa ang laser mice na wala ng ilaw sa ilalim. usually used for gaming, astig ang japorms nito. so pogi points ito para sa desk mo.

and then kasamang choice sa mga to ay ang wireless technology. mice running on EM energy (infrared,using bluetooth or other frequencies. RF yata eh. di ko pa na-research) have just one problem: battery. syempre it de-clutters your workspace pero yun lang, bili ka ng bili ng batt if you don’t have rechargeable ones.

i attempted to use the one that came with alaya. 2xAAA eveready batteries lasted about 3 weeks. which was way off my budget. so i opted for the [pirated] sony optical mouse. P280 nabili ko. napamahal pa yata ako kasi naaalala ko eh yung napagtanungan ko isang stall sa SC (shopping center) ng UPD eh P180 lang! so far, it has been serving me well.  di pa naman siya nasisira. let’s hope it stays that way for a long time.

so, now i’m thinking of getting a new a4tech mouse. still deciding which one though… will leave that one sa office. si sony na lang dadalhin-dalhin ko everywhere. haaay…

and speaking of sira, kahapon ko lang nakita na handicapped na rin ako sa Stat ko. sira na  LCD display ng trusty calculator ko. it’s a Casio fx-570W scientific calculator with S-VPAM (whatever that is. google it.) bibo kid pa naman ako kahapon sa aming make-up class. nilabas ko siya to volunteer computing yung example sa board. anak ng tinapa, hati ang otso! i’ve had this since 4th year HS yata. cost me (well, actually my dad) about P800 that time. hi-tech na hi-tech pa to nun kasi may conversion function siya at ang pag-gamit ng trigonometric functions ay gaya ng pagsusulat mo sa papel e.g. cos(angle) instead of typing (angle) and then pressing COS sa calcu… haaay…

ipapa-doktor ko muna to sa aming klinika. nawa’y maayos pa siya… sayang din ang memories.

unless baterya ang problema niya. mas masaya yun kung yun lang ang problema! ^_^

—-

umayos na ang screen pwera sa isang vertical line sa unang character.  takot yata magpa-doktor. ^_^

Advertisements

1 Comment

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s