luid ka!

The photo from Jason Laxamana’s blog shows the Holy Angel University Chorale singing “Himno ning Kapampangan” (Hymn of the Kapampangan)

Luid ka, palsintan ming Kapampangan!

Kapampangan misapwak
King legwan na ning alaya
Gabun ding pantas at marangal
Sibul ning lugud karinan ning tepangan

Batis ning katalaruan at panamdam makabalen
Ligaya mi ing mie payapa
King malugud mung kandungan

KORO
Kapampangan, sale ning legwan
Kapampangan sandalan ning katimawan
Kilub ding pusu mi atin kang dambana
Luid ka! Luid ka!
Palsintan ming Kapampangan
Luid ka! Luid ka!
Palsintan ming Kapampangan

so after that, naisip kong pakinggan sana ulit ito. hanap sa youTube, wala. hanap sa multiply, wala. hanap sa net, wala. lyrics lang meron. kainis…

inspired pa naman sana ako gumawa ng i-a-upload sa youTube, kaka-butingting sa Windows Movie Maker dahil sa kasal ni mamaliz. (fine, amateur na kung amateur) gusto ko maiparinig yung kantang yun. i feel really really damn proud to be Kapampangan pag nadidinig ko mga kanta gaya nito. *sigh*

so dun sa mga nakakabasa nito, at kung may kakilala kayong may audio file nito, pahingi naman po.

tamad at lutang

dahil nasa office na naman ako at walang magawa, nagba-blog hop ulit ako. di ako makapagtrabaho dahil kulang ako sa tulog. (yan ang sakit ko. i NEED my 8-hour sleep to function properly) traveled back to MARUISM, blog na nakilala ko through iska and jojie at different instances.

ngayon ko lang din naisip na habang lumalawak ang kaalaman mo sa mundo ng pagba-blog, eh lumiliit din siya, seemingly, dahil sa mga koneksyon ng mga tao. “ang lahat ng bagay ay magkaugnay” ang lagi kong naaalala sa kanta ni Joey Ayala…

anyway, nakita ko lang kasi sa mga piktyur sa kanyang blog na gusto niyang angkinin ang buwan… naalala ko lang na may magaganap na lunar eclipse ngayon! sayang lang at medyo hindi nakikipag-cooperate ang panahon. sana eh mamayang bandang 6pm eh lumitaw na ang buwan.

masakit din ang ulo ko ngayon. di ko lang alam kung ang dahilan eh ang kakulangan ko ng oras sa tulog o ang pagsuot ko ng contact ko ulit.

pansin ko kasi na hirap na ang mga mata ko sa pag-focus tuwing suot ko salamin ko. it’s like they’re focusing and re-focusing everytime i turn and look at another object. nakakahilo na rin minsan. i also seem to have lost my depth perception. having two eyes is responsible for man’s depth perception. dahil kasi dito we see in stereo (akala niyo eh sa tenga lang may stereo? yan ang natutunan ko sa Engg ng limang taon!). may 3D effect ba? at ayan, dahil lumabas na naman pagka-geek ko, mahirap na ituloy ang entry na to…

at dahil ulit sa pagba-blog hop eh nakita ko ito:

dito. at narinig ko ang kantang “believe it or not” ni Joey Scarbury. (yun pala yun?)

at ako’y naging sentimental… haaay…

momentum

according to Wikipedia (and, well, what i know from college)

momentum is the product of the mass and velocity of an object.

so, that would mean that if p is the momentum of an object, m and v are mass and velocity respectively, then

p=m x v

furthermore, momentum is also the related to Force is this manner: F = dp/dt. since p is mxv, where m does not change in an object, F= m x dv/dt where dv/dt is also known as a body’s acceleration. we thus obtain the classical definition of Force being the product of mass and acceleration, a

F = ma.

what is the implication of momentum?

in easier terms, it would mean how easily or difficult an object is to move (or more coorrectly, to STOP). a small, light object (say a bullet) moving at a large amount of speed would mean it would be very difficult to stop. however, a large body (say a bowling ball) moving at a relatively slower speed would also be difficult to stop.

ang hindi ko ma-gets, bakit nawawalan ng momentum ang tao pag nasa state siya ng prolonged rest (i.e. long weekend) eh samantalang humihilata lang siya sa bahay, gaining more mass through consumption of food? Inertia does not consider mass gain so i don’t think it’s inapplicable.

besides, wala pa akong narinig sa office na nagsabing, “nasobrahan yata ako ng inertia”

<geek boredom alert>

(not) sleeping with the enemy

yes, bangag ako… kulang ako sa tulog.

ang salarin: I-P-I-S

ewan ko ba’t naisipan nilang magkaroon ng evening picnic at nagsilabasan sila sa kisame ng aming naaaaaapakaganda’t naaaaapaka-ayos at di-tumatagas-sa-pader-ang-tubig-kapag-umuulan na boardinghouse sa dagohoy.

i was minding my own business, playing worms 3D on alaya nang *wooosh* dumapo sa harap ko ang isang mega-ewwww na ipis. hindi naman ako nagtititili (slight lang, pigil pa nga eh) at pinagpag ko siya palayo. success! haha! lagot ka ngayon saken! sabay dampot ng tsinelas para ma-tegi na ang said intruder. hinabol ko siya until *splat* mukha siyang sinabugan ng super lolo at nagkapira-piraso ang katawan.

satisfied, ngumisi ako nagpasalamat at nahuli ko tong isang to. pero as if isang eksena sa pelikula, nang dahan-dahan kong i-angat ko ng ulo ko, nagimbal ako sa nakita! kasama pala niya ang barkada niya! sina Letlet, Dondon, Bongbong, Mimi, Klangklang, Yhanyhan, at Detdet!!! aba’t nilulusob yata ako!

with skills learned from the Philippine martial art Arnis, yaaaaaaaaah! it reminded me of the fable Seven With One Blow. mine was more like Seven with Seven times Seventy Blows. ang lutong pa ng tunog ng tsinelas ko pag tatama sa pader. isang malakas na PAK! pero yun ay pag wala akong natatamaan. hehe… pag naka-iskor naman ako, it’s the satisfying SPLAT i hear… music to my ears!!!

siyempre, napagod naman ako sa adventure na ito. pero di pa pala tapos. tinawag na nila ang kani-kanilang mga kumpare, kumare, nanay, tita, kuya, at kapatid ng pinsan ng kaibigan ng tatay ng kuya ng lolo nila bago ko pa natsugi ang 7 magkakabarkada! inangkupo!!!

i didn’t stop until most of them were dead and the rest were left up in the high ceiling of the room. and as a precaution, i just had to spray what was left of the Baygon sa kuwarto. and syempre, ako tong si paranoid, di ako makatulog ng mahimbing. pakiramdam ko eh meron laging ipis sa paligid ko. na any moment eh gagapang sila sa katawan ko. arrrrggghhhh!!!

and so, after about 5 hours of sleep, heto ako ngayon…

sleepy

i’ve always wanted a european car

not that i own a car. i just want one.

as a big kid earning for himself, namimili-mili na rin ako ng mga bagay na gusto ko. siguro eh habang binata pa at walang responsibilidad eh i-eenjoy ko muna ang pag-gasta ng sarili kong pera.

i’ve been a sugar daddy for over a year and i guess now that i’m “retired” eh nagkaroon ng certain effect saken ang paghawak ng pera. di ako sanay na mahawakan ng buo ang aking suweldo. i mean i was used to eating SkyFlakes and coffee for lunch para lang makapagtabi para sa aking sinusustentuhan. and then nung tapos na ang lahat, medyo nalulula ako sa pera sa kamay ko. i have this compulsion to spend, spend, spend until i’m left with money to barely last me til next payday. at yun ang mahirap.

di ako ‘big spender’ at lalong di kami mayaman. di rin naman ako takot o galit sa pera kaya inaalis ko to sa ATM ko whenever i get the chance. it’s just that after almost 2 years of working, i have finally reaped the fruits of hour after hour staring blankly at monitors, managing excel files, racking my brain and squeezing it for every last juice of information.

nakakapaglaway na ako sa mga gadgets and gears for the boys. dati i was preoccupied with thinking how i could save up para may ibibigay akong pera when she needed it. at ngayon eh nare-realize ko na yes, i am a yuppy. the typical yuppy who wants to buy every new gadget that comes out, listen to his iPod and play games on his PC and buy new clothes every paydad and go out on weekends, spend on drinks, coffee and cab fares.

or drive home (sober) in my Aston Martin V8.

Aston Martin V8 Vantage

yeah, i’m still a boy in (fat) man’s body.

wag na init ulo, baby

ngayon lang yata ako nakaranas ng ganito. sabi na nga ba’t magiging ka-adik-an ko itong pagba-blog na ito. kahit mga walang kuwentang snippets ng buhay ko eh gusto ko isulat. pati ang init ng ulo…

if you’re my friend, you probably know i have a multiply account. and if you’re one of my detractors, you pretty well know what i wrote there. ang nakaka-inis lang eh nagsabi ka lang naman ng opinyon mo, nilulusob ka na at kung ano-ano’ng pinagsasasabi tungkol sayo…

it’s hurt, you know… 😦

pero masarap din pala ang makasagot ng may peace of mind. πŸ™‚ at yan ang nadiskubre ko ngayon. although nanghihinayang ako sa mga comment na naroroon (na sana eh mabasa ng mga tao para malaman kung ano/sino nga ba ang di marunong umintindi), kaya lang eh hindi pwede. kung bawal ang comments, bawal lahat. sa aking huling paskil ay napag-nilay-nilayan ko ang significance ko sa mundo (naks! pa-deep). echos!

natuwa lang ako kasi nga my hunch was right after all. mino-monitor nila ako. aba, may stalker na ako?!?! LOL di bale sana kung sa ibang bagay nila ako ini-stalk pero naghahanap lang ng away, huwag na lang diba? ang hirap mag-explain sa taong di nakikita yung punto mo at pilit binabalik sa ibang topic. haaay… kaya para di agad tumanda (dahil sa mukha na nga akong matanda) tigilan na…

HAPPY PLACE! πŸ™‚

handicapped

pilay ako ngayon. and there’s this certain ache on my right hand. bakit? wala akong mouse.

parang big deal talaga na mawalan ka ng mouse sa opisina. pilay talaga ako. di ako maka-click ng mabilis since i use alaya’s touchpad. (translation: di ko agad ma-minimize bina-browse kong porn sites) ^_^ heehee…

seriously, mahirap mag-navigate using the pad. tapos eh pag sinumpong ng uber sensitivity, lahat ng apps mo nagbubukas. haaay…

ngayon eh i’ve decided to get a 2nd mouse. isang pang-rugged use, yung dinadala-dala ko na lang kung saan ako mapunta, and the other stays here sa office. pero that’s easier said than done. as usual, i’m the technical guy, looking for value for money. titingnan, ire-research muna kung ano yung “pinaka-bagay” na mouse para sa akin at aking sitwasyon. which technology is superior. naglabasan na ang optical mouse which almost renders the ball-mouse obsolete. these are getting cheaper and cheaper lalo na nung lumabas pa ang laser mice na wala ng ilaw sa ilalim. usually used for gaming, astig ang japorms nito. so pogi points ito para sa desk mo.

and then kasamang choice sa mga to ay ang wireless technology. mice running on EM energy (infrared,using bluetooth or other frequencies. RF yata eh. di ko pa na-research) have just one problem: battery. syempre it de-clutters your workspace pero yun lang, bili ka ng bili ng batt if you don’t have rechargeable ones.

i attempted to use the one that came with alaya. 2xAAA eveready batteries lasted about 3 weeks. which was way off my budget. so i opted for the [pirated] sony optical mouse. P280 nabili ko. napamahal pa yata ako kasi naaalala ko eh yung napagtanungan ko isang stall sa SC (shopping center) ng UPD eh P180 lang! so far, it has been serving me well.Β  di pa naman siya nasisira. let’s hope it stays that way for a long time.

so, now i’m thinking of getting a new a4tech mouse. still deciding which one though… will leave that one sa office. si sony na lang dadalhin-dalhin ko everywhere. haaay…

and speaking of sira, kahapon ko lang nakita na handicapped na rin ako sa Stat ko. sira naΒ  LCD display ng trusty calculator ko. it’s a Casio fx-570W scientific calculator with S-VPAM (whatever that is. google it.) bibo kid pa naman ako kahapon sa aming make-up class. nilabas ko siya to volunteer computing yung example sa board. anak ng tinapa, hati ang otso! i’ve had this since 4th year HS yata. cost me (well, actually my dad) about P800 that time. hi-tech na hi-tech pa to nun kasi may conversion function siya at ang pag-gamit ng trigonometric functions ay gaya ng pagsusulat mo sa papel e.g. cos(angle) instead of typing (angle) and then pressing COS sa calcu… haaay…

ipapa-doktor ko muna to sa aming klinika. nawa’y maayos pa siya… sayang din ang memories.

unless baterya ang problema niya. mas masaya yun kung yun lang ang problema! ^_^

—-

umayos na ang screen pwera sa isang vertical line sa unang character.Β  takot yata magpa-doktor. ^_^